8. Otw?

2 0 0
                                    

Pwede ka ba bukas? Napikit ako pagkatapos kong maisend sa kanya ang message ko. Medyo matagal syang nagreply kaya naiinis ako kasi kabang kaba ako sa isasagot niya!

Nandito ka sa Pinas?
...
San ka ngayon?
...
Uyy

Napapatulala nalang ako sa mga message nyang sunod-sunod. Naeexcite ako na di ko alam kung anong sasabihin ko!

Yep
...
House

Sa Ca*****?
...
Pwede ka lumabas?

Nope. Sa bahay ko mismo.
...
Uhm.. yes?

Saan?
...
pwedeng pumunta?

Oh my gahd! Pupunta sya? As in? Tsk! Abot ang kaba ko, feeling ko nangangatog na nga ako, di ko alam kung dahil ba 'to sa excitement! Syempre doon na nga 'yon!

Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako ngayon. After 10 minutes saka sya nagreply ulit. Tagal magreply my gahd!

Otw.

Bigla akong napatayo sa couch nang mabasa ko ang message niya at maamit amit kong mabitawan ang cellphone kong hawak.

Saglit akong napahinto at di malaman ang gagawin nang may bumusina sa tapat ng bahay ko.

My gahd! Ang bilis naman niya!

Nagfinger comb nalang ako sa buhok ko at inayos ng konti ang medyo nalukot kong damit at saka lumabas.

Nanginginig ang tuhod ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang makita ko ang sasakyan na nakaparada sa harapan ng bahay ko. At nang lumabas sya, my gahd, katapusan na yata ng mundo!

"Hi. Gabi na ya. Napasugod ka?" Tanong kong nakangiti na pinipilit na hwag malaglag ang panty ko sa sobrang gwapo niya! As in! Mas iba ang itsura niyang matured!

He smiled, at nang lumabas ang mga dimple nya, shit! Game over!

"Bawal ba?" Fix lang yung smile nya tapos ang tingin ko sa mga mata niya eh nagtutwinkle-twinkle. Bakit ba ganon!

"Pasok ka, baka mahamugan ka." Biro ko. Medyo nanginginig ang mga kamay ko talaga nang buksan ko ang pintuan papasok at saka sya pinaupo sa sala.

"Uhm.. kumain ka na ba? " Diyos ko, gusto ko syamg ayain mag inom pero baka hindi pa sya kumakain! 8pm palang naman.

"Tapos na." Nakangiti pa rin sya, at promise! Malapit na akong magmura!

"Beer?" Tanong ko. Wala naman na akong ibang maiaalok sa kanya sa mga oras na to kung hindi alak. At mukhang kailangan na kailangan ko rin para kumalma!

"Sige." Sagot nia. My gahd! Totoo po ba ito?! Paki sampal naman po ako please!

Tumango ako saka nagpunta sa kusina at kumuha ng dalawang in can na beer sa ref.

Pagbalik ko, inaya ko sya sa terrace, sa labas sa may mini garden dahil hindi ko kakayanin na kasama ko sya sa loob ng bahay. Delikado sya sa akin!

Hindi ako mapakali habang magkaharap kami. Hindi ako sanay na kami lang dalawa. For the first time, ngayon ko lang sya nakasama, nakausap ng kami lang.

"Anong meron bukas?" Tanong niya habang nakangiti pa rin. Nakakainis na nga eh! Konti nalang talaga bibigay na ako!

Huminga ako ng malalim, "Balak ko isurprise yung tropa bukas. Itatanong ko sana kung pwede kitang maging partner in crime." Nag smile ako at ganon din sya. Sa totoo lang, makikitsismis lang sana ako sa buhay niya, selfish pero hinding hindi ko pinagsisisihan na sya ang una kong iminessage.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My First LoveWhere stories live. Discover now