4. Life goes on

1 0 0
                                    

Masakit ang nangyari sa amin ng ex ko. Naghanap ako ng iba para makalimot. Sa tingin ko kasi, 'yon ang kailangan ko ng mga panahon na 'yon, ang maibaling ang attention sa ibang bagay.

Work, aral at paminsan minsan ay umuuwi ako sa amin. Inaabutan rin naman ako kahit papano ng magulang ko pangbayad sa bording house na tinutuluyan ko.

Noong nagpaalam ako na magboboarding house, they were very angry at first, syempre. Nasamahan pa ng galit nila dahil nabarkada din ako na alam ko, mali ako. Pero di ko maiwasan ang makipagbarkada dahil 'yon ang time ko para makalimot saglit sa lahat ng bagay. Kahit konting oras lang.

Alam kong mali, pero tama sa pakiramdam.

At dahil syempre nakakapag abot naman ako sa kanila kahit papano, wala na rin silang nagawa. Inunawa nalang siguro ako. O sadyang matigas ang ulo ko.

Tuloy ang buhay, itinuloy ko ang pag-aaral, nakipag boyfriend sa iba, nagtrabaho.

4 years later uso ang fb kaya nagkatagpo-tagpo at nagkausap-usap kami one time ng mga dati kong kaibigan, ang mga kababata ko.

I was really happy bukod sa nagrereminice kami noong mga bata pa kami ay hindi namin nakalimutan ang isa't isa kahit may kanya kanya na kaming buhay. Napakasarap sa pakiramdam.

We decided na magkita kita at magkaroon ng reunion. Syempre double excitement kasi pupunta sya. Yung matagal ko nang crush. Yes!

But there was a doubt na umattend ako kasi naman, yung first honor nila eh pagala gala lang at wala pa  ring napapatunayan. I mean, wala pang nararating sa buhay. Graduate na sila, ako vocational lang ang inabot.

Hindi naman sa ikinanliliit ko ang pagbovocatinal, actually I must be proud dahil natapos ko 'yon sa sarili kong sikap.

In the end, i decided to go. Bahala na si batman!

...

Dumating ako doon, syempre bati dito, bati doon. Medyo nadisappoint ako kasi wala sya, yun pala late lang ng dating.

Pag dating niya, my gahd! Halos manginig ang mga kamay at nguso ko sa kaba! Hindi ako mapakali! Parang hiyang hiya ang lahi ko na hindi ko mawari!

"Musta, Cadie?" He asked nang mapansin ako. Hindi ako agad nakapag-isip ng sasabihin kaya tumawa nalang ako at tinanguan sya. My gahd!

Masyado yatang nagulantang ang mundo ko. Feeling ko any time sasabog ako. Sa kaba, sa kilig, basta!

My First LoveWhere stories live. Discover now