5. Reunion 101

1 0 0
                                    

"Kamusta naman, Cadie? Kwento ka naman." Sabi sakin ni Sab, Sabrina for long, habang tinapik ako sa legs. Babae po sya, wag kang ano. Hehe.

"Uhm...ayos naman." Simple kong sagot at nagkibit-balikat nang mapansin kong mukhang naghihintay pa sila na magsalita ako.

"Si first honor pa pagkwentuhin mo eh masyadong serious yan sa buhay." Singit ni Ric sabay nagtawanan sila. Ako naman nakitawa lang. Nakiride sa kanila. Pero habang tumatawa ako at nakikipag usap sa kanila, nagnanakaw ako ng tingin sa crush ko, si Cj.

Nagtuloy ang kwentuhan, salamat sa iba namin kasama na gustong maging bangka sa usapan at nalihis sa akin ang attention ng lahat.

Nagswimming ako makalaunan, pababa ng tama dahil panay ang inom ko sa sobrang kaba, insecure, mga ganong factor.

Nanggigilid gilid lang naman ako dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Isinandal ko ang ulo ko sa gilid ng pool at saka pumikit nang may humila sa kamay ko at dinadala ako sa malalim na part ng swimming pool.

"My gahd! Hindi ako marunong lumangoy!" Sigaw ko habang nasa bingit ng kamatayan. Haha! Oa!

"Tss... Hawak kita." Sabi nito ng marealyze ko na si CJ pala ang humila sa akin sa gitna ng pool.

Lumubog ako sa tubig pagkakita ko sa kanya habang nakangiti. Inangat niya ako agad pero nagpumiglas ako!

"Wag kang pumiglas, Cadie! Hawak kita." Sabi niyang medyo napalakas ang boses. Kinalma ko naman ang sarili ko kahit hindi ko kayang kumalma kasi nandyan sya! Halos mayakap ko na sya! Pu***** **!

Halos payakap akong kumapit sa kanya nang marami na akong naiinom na tubig kapipiglas ko. Hanggang sa makarating kami sa pinakamababaw na part mg pool.

"Letse ka! Muntik mo na akong patayin!" Tumawa sya at lumabas na naman ang lintik niyang mga dimple! Nyeta, ayawan na!

"Di naman kita pababayaan na malunod." Sabi niya habang tumatawa pa rin. Sarap niyang kurutin sa totoo lang.

Tinalikuran ko sya at ambang aalis nang hawakan niya ang wrist ko at pinigilan.

"Kapikon mo hano?" Inirapan ko sya. Bakit ba ang hirap magpaka-nice sa taong to? Bakit?!

Tumawa sya ulit at hinila ako pabalik sa pwesto ko.

"Lasing ka na? Wag ka nang uminom." Sabi nyang naging seryoso ang mukha. Nawala ako sa earth at di nakapagsalita. Mga 5 seconds.

"Paki mo ba?" Sagot ko na nautal pa saka nagmadaling umahon sa tubig. Tinawag nya ako pero hindi ko na sya nilingon kasi baka makita niya yung mukha kong nangangamatis na sa pula!

...

Tuloy ang kwentuhan, harutan, inuman pagbalik ko. Minsan minsan sinisilip ko sya sa pool at kasama na niya doon ang iba naming kaibigan, including the other girls na halata rin na may gusto sa kanya. Can't blame him, mas naging gwapo kasi sya ngayon.

Naiinis ako sa sarili ko kasi binigyan na ako ng pagkakataon na magkausap kami pero sinayang ko, sinungitan ko pa!

Nang mag-uuwian na, he insists na sya nalang ang maghahatid sa akin kahit na madami din naman ang willing na maghatid sakin pauwi.

Okay, kumapal na ang mukha ko dahil sa tama ng alak. So pumayag na rin ako ba sya ang maghatid sa akin, sa bahay namin talaga dahil mapapalayo pa kung uuwi ako ng boarding house, but with his cousin. Medyo nag-usap pa sila na di ko na maintindihan dahil nahihilo na rin ako.

Pagkahinto sa gate namin, feeling ko nagpapacute sya. Feeling ko may gusto siyang sabihin. Ayaw kong mag-assume pero parang meron nga talaga.

"Thank you guys, nag-enjoy ako tonight." Sabi ko nalang tapos nag half smile ako sa pinsan niya at sa kanya.

"Ang daya mo." Bigla niyang sabi. Tinuro ko ang sarili ko.

"Ako? Bakit naman anko naging madaya?" Tanong ko. Hindi na niya ako nasagot dahil lumabas na ang nanay ko at tinawag na ako para pumasok ng bahay namin. Perfect timing. Tsk!

My First LoveWhere stories live. Discover now