2. High School Life without him

4 0 0
                                    

So ayon, I'm Cadie pa rin. Mahilig sa sports, seryoso sa study, one of the boys, boyish, and such a coward pa rin.

Nagkacrush ako sa iba and he was my very first boyfriend. Oyy.. wag ka dyan, kahit crush ko sya eh napilitan lang ako na maging kami. Hmm..

Here's the story about my first boybriend.

He was cute. He also have a dimple. Chinito, parang si Chito Miranda. He was so open! Damn it! May paflower pa and teady bear, yung talagang typical na teenage na nanliligaw na naririnig ng iba at alam ng iba na may gusto sya sa akin, ganern.

But I was so damn busy with the sports and dance club....and art club kaya hindi ko priority ang kilig kilig factor sa buhay ko so i was telling him, I'm not into fling fling man 'yon o whatever. Feeling maganda eh, noh?

But with the threat of my bffs na hindi na raw ako papansinin kapag hindi ko sya sinagot ay sinagot ko na bandang huli. Sa takot na wag akong pansinin ng mga kaibigan ko. 4 girls.

Tss. So ayon, naging kami. Nakakaasiwa kasi hindi naman ako sanay. Lalo pa't may naghihintay sa akin sa entrance school at sabay kaming naglalakad na feeling ko eh nakatingin sa amin lahat. Hayyy..

Ewan ko na rin kung ano ang nangyari sa amin. Basta umiiwas ako. Hanggang sa nagsabi ako na mag usap kami after class na hindi naman kami nakapag-usap dahil ininjan ako. Tapos kinabukasan, wala na. Wala na basta. Napagkatuwaan kaya ako?

Hmm....well, life goes on. Pabayaan na natin yan, dahil wala pa rin naman yan sa isip ko.

After 2 years, 4th year in High school, narealyze ko na, ayy..crush ko na pala sya talaga. Kasi naman, mahihiya ako kapag nagkakasalubong kami. Naging magkasection ulit kami.

Niligawan nya ulit ako, sinagot ko. Tapos di rin nagtagal, kasi he have a bff "daw" na may problema and she was her priority. Girl yon huh. Tss.  Kung kelan naman naenjoy ko ang company niya, saka naman sya nawala. Tsk!

But then, another man came. He was my friend, my close friend, and no idea na magkakagusto sya sa kagandahang kong ito kung meron nga!

He was the last person na inaasahan ko na magkakagusto sa akin. As in, promise. Pati utot ko nagpapabahuan kami. Binuburautan ko pa palagi ng pagkain. Nagpapahiran ng kulangot, ganon. Padugyutan.

But he was the sweetest and the most kalog, sya lang ang bukod tangi na nanligaw sa akin na may pacode name na love struck.. haha!

He secretly giving me chocolates, candies, flower and the sweetest, is love letter. Wala talaga akong ka-idi-idea dahil sya pa ang kauna-unahamg nanghaharot sa akin na may manliligaw bulag.

The time na nalaman ko kung sino ang secret admirer na napakasipag mangsurprise everyday? Malalaman mo next chap.. hehe.

My First LoveWhere stories live. Discover now