6. Life goes on 2

0 0 0
                                    

After ng reunion, gumawa kami ng group chat. Active ng mga one week, but after that pakonti konti nalang ang kwentuhan hanggang sa parang wala na naman communication.

Last na rin na pag-uusap namin ni CJ noong hinatid nila ako kasama ng pinsan niya sa bahay namin.

Hindi ko na rin sya nagawang kamustahin dahil may dumating na magandang opportunity sa akin.

Naging busy ako. Inisip ko na muna ang pamilya ko dahil alam ko at umaasa ako na nandyan lang naman sya.

Nag-abroad ako, sinuwerte ako sa amo at sa trabaho. Naging madali sa akin ang lahat, nag-eenjoy ako and at the same time kumikita ng malaki-laking pera.

In 5 years, naipaayos ko ang bahay namin, nakabili ako ng sasakyan na pangservice nila at nabigyan ko rin ng pangbusiness ang mga magulang ko. Ako na rin ang nagpaaral sa dalawa kong kapatid na nakababata.

Umuuwi ako every 2 years, pero nababadtrip ako minsan dahil yung inaasahan ko na makita eh laging in a relationship. Ang masakit pa doon eh last na uwi ko kasal na siya.....sa ibang babae. Hindi ko tuloy masabi na, "Hi! Nandito na ako."

Kaya imbes na mag-stay ako sa country for good, bumalik ako abroad para makalimot. Sadly, hindi nangyari. Araw araw ko pa rin syang naiisip!

Nagdouble job ako para maging busy. Para hindi ko sya maisip. Para hindi panay sisi sa sarili ang ginagawa ko.

Kung bakit ba naman kasi pinatagal ko pa, kung bakit ba naman kasi hindi ko pa sinabi noon pa!

After 3 years nakapagpatayo rin ako ng sarili kong bahay. Medyo malapit sa kanila para kahit hindi kami, napi-feel ko pa rin sya, na nandyan lang sya.

Masaya naman ako para sa kanya. Basta masaya sya, ayos na ako doon. Tinanggap ko 'yon ng maluwag after kong marealyze na baka nga hindi kami para sa isa't isa.

My First LoveWhere stories live. Discover now