7. Good news or bad news?

3 0 0
                                    

Umuwi na rin ako ng Pinas. Ayaw ko pa sana pero pinauuwi na rin ako ng parents ko dahil okay na raw, it's time to think of myself naman daw tutal stable na ang lahat.

May kanya kanya na ring buhay ang mga kapatid ko. Magaganda na rin ang estado nila sa buhay at may sarili na rin pamilya. Pwera sa kapatid naming bunso na kapapasa lang bilang architect.

Ngayon, ako naman ang kinukulit na mag-asawa na dahil hindi na raw ako pabata. For me, thirty is.....hmmm...thirty. Isa pa wala naman akong boyfriend ngayon.

Pagkauwi ko sa Pinas, nag stay ako at nanahimik sa bahay ng parents ko. Hindi ko muna pinaalam sa kahit kanino na umuwi na ako ng bansa.

After a week, dinalaw ko yung mga malalapit naming kamag-anak at inilabas sila. We had dinner, get away, syempre bigay ng mga pasalubong at pagkatapos ay umuwi na rin ako sa sarili kong bahay.

It's a simple house yet very cosy. It has 2 comfort room, 3 bedrooms, na ginawa ko munang mini library ang isang room, the other room is a guest room at the other is the master bedroom. Garrage for two at ang pinakagusto eh yung mini garden. Simple lang pero modernized na rin ang yari. It was designed by our deerest bunso and I am so proud of him dahil napakaganda ng ginawa niyang design sa bahay ko.

After a day, i decided na isurprise naman ang mga kababata ko. Sila kasi ang mas close sa lahat ng naging kaibigan ko.

Well, were 30 or 31 now. Nakamoved on na rin naman ako sa crush ko kahit pano kaya okay na ako doon. And besides, namimiss ko sila.

Nagcheck ako ng Fb pagkatapos kong magdinner habang nagpapahinga sa sala. I was checking on my friends at namalayan nalang na ini-stalk ko na ang FB ni CJ. My gahd!

Mukhang puro bitter ang mga post niya at mukhang may kaaway. So i checked the comment box at nagbasa basa.

Nalulungkot ako, dahil parang may problema sya in his married life. Damay pa pati mga anak nila. Nagtatalo sila sa karapatan sa mga bata.

I was like, oh my gosh, is this real? Kasi last time naman na nakikita ko ang FB post niya ay masaya sila.

Nalulungkot ako, kasi naman, I want him to be happy, kahit sya nalang yung masaya okay na ko doon. I gave up my feelings for him, for what, for this? NO!

Naglakas ako ng loob na imessage sya. I said hi, and he replied.

Hi. Musta? -sya.

Ok lang. Musta rin?

Ayos lang. Eto mejo sad.

Y?

Hmm.. basta. Ikaw kasi ang daya mo.

Ako? Bakit ako?

Kasi iniwan mo ko.

Sa time na magkachat kami, pakiramdam ko bumalik lahat ng feelings ko para sa kanya. Pakiramdam ko parang walang nangyari, pakiramdam ko parang kaming dalawa lang sa mundo.

Hindi dapat ako kinikilig, pero kinikilig ako kahit wala namang kakilig kilig sa pinag uusapan namin! Di ba? Ako daw kasi iniwan ko daw sya?  Like duh! Nagchat ako para alamin ang problema niya, hindi para landiin ang taong to!

My First LoveWhere stories live. Discover now