CHAPTER 17

589 15 3
                                    

"Ma'am, tara! May dala daw na pagkain si Kuya Joseph dahil birthday daw ng anak niya nung isang araw"yaya ni Alice sa kanya na ang tinutukoy ay isa sa mga staff nila. Sabik syang tumayo at sumunod dito. Nasa labas na rin ang iba pa nilang kasama sa team at pinagkakaguluhan na ang mga handa sa mesa.


"Belated happy birthday sa anak mo, Kuya Joseph"malawak ang ngiting iginawad niya rito kahit madalas ay naiilang sya sa pagkakatitig nito sa kanya. He would always look at her from head to foot with obvious desire. Pamilyadong tao na e. Pasalamat ito at nagugutom na sya.


"Thank you, Maám"nakangisi itong bumaling sa kanya. At ayun na naman ang tingin nito sa kanya. Sanay naman na sya sa mga malisyosong tingin ng mga lalaki (although it sucks big time) kaya pinilit nya na lang na wag pansinin iyon.


Sinilip niya ang mga dala nito na kaldereta, spaghetti, lumpiang shanghai at chocolate cake. Naglaway kaagad sya lalo na sa cake at mabilis na inabot ang paper plate sa tabi. Habang kumakain ay nakipagkwentuhan sya sa mga tauhan tungkol sa trabaho, sa buhay nito sa bahay at pati mga teleseryeng pinapanuod nito.


"Ma'am, ayan si Alice nanunuod na naman ng KDrama kanina. Tapos ka na baga sa mga pinapagawa sa iyo?"ani Precy na sa Calamba, Laguna pa nanggagaling. Pinanlakihan ito ng mata ni Alice.


Napatawa na lang sya dahil alam niya naman ang obsession ni Alice sa Koreanovelas. Kaya nga patay na patay ito kay Zaldy na kalahating Koreano, kalahating gago.


"Wala namang problema. Basta nagagawa ng maayos ang trabaho, pwede namang magrelax kapag nakaluwag-luwag"sagot niya habang inuubos ang cake na may custard sa gitna ng layers. Gusto niya pa sa totoo lang. Nakakahiya na lang talaga kumuha pa dahil kaunti na lang ang natitira.


"Ano ka ngayon gurl?!"pambabara ni Alice kay Precy. Inirapan lang ito ng tatawa-tawang officemate.


"Ikaw, Ma'am? Ano pinapanuod mo?"


"Naku, hindi ako updated eh. More of western series kasi pinapanuod ko. Pero sa kdrama, sinimulan nam—ko yung While You Were Sleeping. Maganda siya. Nangangalahati na ko"muntik na nyang masabing 'amin'. She and Julian started watching it last weekend. She initially suggested What's Wrong With Secretary Kim but he insisted on the other series instead because according to him, it has a better plot.


Agad na nagningning ang mga mata ni Alice.

"Sooooobrang ganda nun, Ma'am! Crush na crush ko yung second male lead, shocks! Si Jung Hae-in! May isa—"


"Mukhang nagkakasayahan tayo ha" Sabay-sabay silang napasinghap at lumingon sa nagsalita. It was Sir Ed. And clearly, he doesn't share their festive mood dahil nga naman technically ay working hour pa. Sya ang unang nakabawi sa kanilang lahat.

The Boss' FaultWhere stories live. Discover now