CHAPTER 9

712 17 4
                                    

"Jules, paabot naman ng pills sa bag ko"pakiusap niya dito sabay turo sa gamit niya na nasa side nito. Magkatabi sila sa desk niya at patapos na din kumain. Agad na tumalima ito at kinuha ang bag niya.


She popped one tablet in her mouth. Palaging hindi magkatagpo ang sched nila ng ob-gyne niya para sa dose ng injectable birth control kaya napilitan na lang siyang magpills muna.


She got back to eating the carrot walnut cake he brought her. Nakakatatlong slice na sya sa sobrang sarap nito. Ilang calories na kaya ang katumbas nun? Napabuga na lang siya ng hininga.


"Why?"Julian asked beside her.


"Ubusin mo na 'tong cake. Kailangan kong pigilan ang sarili kong magstress eating"iniurong niya ang platito dito.


But he just pinched her cheek.

"It's your birthday. You are allowed to slack off"natatawang iniurong nito ulit iyon sa kanya.


"Ayoko. Masasanay akong magstress eating. Tapos di pa ko nakakapagworkout dahil lagi akong puyat at pagod" Gusto nya nang maiyak dahil miss na miss na niya magexercise. But she's just so tired these past few days! Gusto niya na lang talaga matulog pagkarating niya ng apartment.


"Today lang naman. And why won't you say no to him, anyway? Those are not your job anymore, you know"he said, referring to Sir Ed's power trip. Pahapyaw na niya kasing naikwento iyon nang minsang tumawag ito.


She sighed before picking up her fork again. Fine. She'll succumb to temptation just for today. The cake just taste so delicious. Nakakakilig!


"I told you, I won't give him the satisfaction of knowing that he's getting to me"she answered while her mouth was still stuffed. Sanay naman siya sa ganong set up kay Byron. Ang pinagkaiba lang ay galit siya kay Sir Ed kaya siguro mas mabilis sya ma-drain.


Julian's forehead remained creased. Inabot niya iyon para masahihin at iunat. Hindi siya komportable na mukha itong galit. Parang nakakatakot. Ganun siguro talaga pag sobrang bait na tao.


His frown quickly vanished and was replaced by a soft smile.


Much better.


He held her hand and started playing with it.


"Gaano katagal ka sa US?"she asked him. Ubusin niya na kaya yung cake? Parang wala na ring papatunguhan dahil sobrang liit na ng natitira. Nakakahiya na ibigay kay Alice.


Sinubuan niya muna ng tatlong beses si Julian para naman di masyadong nakakaguilty.


"About a week? Not sure. But I'll finish it as soon as possible"he answered in between bites.




"Uhm..Maám?" Napatingala siya kay Alice. Kanina pa nakaalis si Julian at bumalik na sya sa mga kailangan niyang gawin.

The Boss' FaultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon