CHAPTER 4

1K 22 1
                                    

She didn't have the heart to confess to Sister Annie. Marami na siyang naikwentong pinagdaanan dito simula pa ng high school siya at ang ilan don ay mga sensitibo din pero hindi niya magawang ikwento dito ang tungkol sa kung ano mang nagaganap sa kanila ni Julian.


Pakiramdam niya ay parang idadamay niya pa ito sa kagagahan niya. Napakabait pa naman nito. Nakakahiyang magkwento ng kamunduhan dito kahit gaano pa ito ka-understanding. Kaya nagdesisyon siyang ikwento na lang dito ang pagalis niya sa dating trabaho.


Laking gulat nito nang malaman iyon.

"Akala ko contented ka na don at dun mo na talaga balak magsettle?"tanong nito sa malumanay na boses.


"Akala ko din po eh. Pero narealize ko kasi na pwede pa kong maging...better version ng sarili ko. Wala naman pong masama dun Sister, diba?"paghingi niya rito ng assurance. Napatingin siya sa kaibigang madre. Siguro ang dami na nga talagang panahong lumipas nang hindi nila namamalayan. Napansin niya kasi na mas kita na ngayon ang mga linya nito sa mukha. She met her when she was fifteen and Sister Annie's in mid-20's. Ngayon ay naglalaro na sa kwarenta ang edad nito. Ito ang isa sa mga namamahala sa orphanage na pinamalagian niya ng saglit na panahon.


She gave her a reassuring pat in the shoulder.

"Of course, Nadine. Maganda nga yung lagi tayong nags-strive to be a better version of ourselves. As long as walang natatapakan, then it's good"


"Tingin niyo po ba naapakan ko si Byron? I mean, iniwan sa ere?"she asked while looking at the children playing in the ground of the orphanage. They're so carefree.


"Not really. Matagal mo nang nakukwento yung boss mo sakin. If my memory serves me right, masyado siyang naging dependent sayo, tama?"


She nodded.


"Then you should not carry that burden. He was aware of his responsibilities from the start. You did your job well as his assistant. So it's about time that he does his, too. You're actually helping him, you know. And if he really can't do it alone, then the right thing to do is ask for help so that the situation can be improved"ikinulong na siya nito sa isang mainit na yakap.


Nadine sighed. Sister Annie's really her mother figure. Growing up, she's been craving for attention and affection from parental figures. Hindi niya kasi ito naranasan sa ina at iba pa niyang kamag-anak. She never knew her father. Her mother ran away with a foreigner and never bothered to check on her.


Nagkwentuhan lang sila nito tungkol sa sari-sariling buhay sa mga sumunod na oras.


"Siya nga pala, may ibibigay ako saýo. Gawa 'to nung mga bata" May kinuha itong maliit na kahon mula sa kwarto nito.


"Wow!"napangiti niya habang isa-isang binabasa ang mga handmade cards ng mga bata gamit ang bond papers at crayon. Puro mga drawing iyon ng puso at babae. Nagkaiba lamang sa mga personal na mensahe nito sa kanya.


'God bless you, Ate!'

'Thank you so much po, Ate Ganda'

The Boss' FaultWhere stories live. Discover now