1. Crush

6 0 0
                                    

I'm Cadie, i had a crush on my childhood friend ever since we were in kinder. Tinago ko 'yon hanggang sa lumutin na at umabot sa edad na thirthy.

Wala eh, wala akong lakas ng loob. Nagtapat naman sya noon pero nahihiwagaan ako sa tuwing naiisip ko ang nakaraan kung bakit hindi ko nagawang magpakatotoo sa sarili ko....at sa kanya.

Maybe I'm not ready that time? Maybe I'm bata pa? Maybe I'm too shy to admit? Maybe. But damn, kahit isang tango ko lang naman sana hindi ko pa nagawa, tsk!

He's cute. I love his deep dimple in both side of his cheeks. Baka 'yon ang dahilan kung bakit ko sya naging crush, dahil sa dimple niya..hehe.

He's popular, among the boys and girls. Actually madali lang syang lapitan kasi friendly sya, but me...tss.. I always bully him.

Char ko lang naman 'yon para mapansin niya. Napansin naman niya ako kaso palagi ko syang inaaway. Napansin niya ako pero ako lang talaga 'tong todo iwas... dahil feeling ko maiihi ako palagi sa saya ko kapag kinakausap niya ako. As in super kilig ang lola mo! Ang kyondi hanes? Tsk.

Hanggang mag grade six, walang nangyari. Away ko pa din sya pero lapit pa rin sya sa akin.

Don't get me wrong na ako'y malapit nang korohan bilang isang Miss Pakipot, well...siguro nga. Study first ang priority ko noon dahil palagi akong first honor. Straight sa elementary. At ang crush? Tss.. bawal since ako ang panganay at nag iisang babae sa pamilya namin.

So ayon, tagu-taguan ng feelings, binuro ko nalang. Huhu.

High School entrance exam. Masaya ako kasi nag exam din sya sa school na target ng parents ko. FYI, masunurin akong anak noon, kung ano ang sabihin nila, 'yon na 'yon.

Kaya lang, malas...Di sya pinalad na makapasok. Pati ibang kaibigan ko na kababata ko rin ay hindi nakapasa kaya naghiwa-hiwalay kami ng school at ako lang ang naiwan dahil ako lang ang nakapasa.

Nakalimutan ko sya saglit. Syempre, bagong school, bagong mga mukha, bagong mga prospect na new friend, lahat bago.

Wala rin akong idea kung saan sya nag High School dahil nga shy ako na alamin ang tungkol sa kanya. Feel ko magmumukha akong stalker. Tss, arte.

So ayon, life goes on. Nakikita ko sya minsan sa sakayan pauwi sa amin dahil magkabarangay lang kami. Medyo malayo lang ang bahay namin from theirs.

Kapag nakikita ko sya, hindi na ako sumasakay. Feeling ko kasi mamamatay ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ayaw kong mahalata na may lihim akong pagnanasa sa kanya. Hahaha!

Sobra..Sobra ko syang crush talaga. To the point na hindi ako makatingin sa mga mata niya. To the point na kinukurot ko ang sarili ko at sinasabi na hindi kami bagay dahil ang gwapo niya, tapos ang panget panget ko.

Pls...i really need your comment. Please..
-SharePinkMovesx

My First LoveWhere stories live. Discover now