Firefly#5: Luciferrin

398 13 4
                                    

Firefly#5: Luciferrin

“ Goodmorning dad..” hinalikan ko si daddy sa pisngi at ngumiti. “ ano po ang ginagawa mo dito?”

“ Hindi bat dapat ako ang magtanong sayo niyan Tanya?” Galit na sabi ni dad. Uh oh! Matagal tagal na rin nung huli kong makita ang galit na mukha ni daddy.

“ I'm sorry sir, this is my fault..” biglang singit ni david, siniko ko naman pero parang di tinablan. Anong its my fault ka diyan?! Di ba pwedeng ako muna?

“Ha hindi niya po kasalanan d--”

“ Anong nangyayari dito?” salubong ng mommy niya kay daddy. “ Governor Tamayo, magandang umaga. Anong maipaglilingkod namin sa iyo?” gulat na bati nito sakanya.

“ Sinusundo ko na ang anak ko..” maiksing saad ni daddy. Kaagad naman akong pinalibutan ng mga bodyguards niya. Nakita kong napanganga ang mga kapamilya ni David. Gumagawa na yata ng scene si daddy. Nakakahiya!

“ Jusmiyo David! Papatayin mo kami sa kahihiyan.” sabi ng mommy niya agad na lumapit naman sa amin ang daddy ni david siguro? uh. Kasi kamukha? I dont know.

“ Pagpasensiyahan mo na ang anak namin Gov. Hindi na ito mauulit.” seryosong saad naman ng daddy ni David..

“ Talagang hindi na mauulit ito. Let's go Tanya.” mariing saad ni daddy pagkatapos ay nauna ng umalis. Mamamatay na yata ako sa kahihiyan dito. Nagvow ako sa mga magulang at kaanak ni david para humingi narin ng paumanhin.

“ I'm sorry dave. Babawi ako. Sorry talaga.. Sorry din po sa inyo.”

“Pasensya ka na rin sa amin iha, hindi kasi namin alam. Sige na at baka pagalitan ka pa ng daddy mo.” Sabi ng daddy niya. Ang bait yata? Umiling nalang ako.

Del Olmo Series # 01: Tanya's FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon