Firefly # 8: Mixed Signals

301 9 0
                                    

Firefly # 8: Mixed Signals

Tanya's POV

After that scene ay hindi ko na maiwasang kiligin. Mabuti na lamang at separate ang boys sa amin. Its already 3am and they're still awake. Ang tataas ng alcohol tolerance nila. Hindi rin ako makatulog kasi baka magising ko yung mga pinsan ni David dahil sa sobrang lakas ng hilik ko. Ewan ko ba namana ko yata kay Daddy.

Babangon na sana ako nung marinig kong nagclick ang door kaya napapikit ako lalo.

"Girls room David! Privacy dude! Privacy.." saway ni Ice yata?

"I'm just checking her out if she's okay.." medyo halata na rin sa boses ni Dave na antok na siya.

"2 minutes lang kundi patay tayo kay ate Cass niyan.." bilin ni Ice.

"I got it! Ssh!" Then he tip toed at halos lumuwa na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Mukhang pagpapawisan pa ako. Shet! Anong gagawin ko? Didilat? Babangon? No! Stay Tanya! Stay for your flirt heart sakes! "See you after 4 hours Tanya.."

Yung hininga niyang amoy alak ramdam kong dumadampi sa pisngi ko. Even his husky voice is so sweet. Parang musika sa tainga.

"Kiss her dude! Weak!" Hamon ni Ice. "Halikan mo na.."

Naramdaman ko naman ang pagdampi ng kamay niya sa labi ko. Wait! Is he going to kiss me? Wala pang 3 months na wala kayo ni Richard Tanya tapos magpapahalik ka na? No. Stop this! Wake up and slap him hard! Next time magpaturo ka kay ate Cynth ng self control ugh!

"I cant. This lips is holy.." saad niya. "She's holy.."

"Amen!" Tawang tawang sabi naman ni Ice. Sapat lang para di magising ang iba. "Sumalangit nawa ang kaluluwa ni amang David!"

"Ulol!" Sabi niya. Nagpigil naman ako ng tawa kahit nakapikit. Naramdaman ko ring kinumutan niya ako. He's caring too. "Sleep well.."

"Oh fuck!" Nagulat ako nung may biglang bumagsak kaya napabangon ako bigla. He's drunk.

"Peace!" Ngisi ni Ice. Akala ko rin ay magigising yung iba pero ang mantika kung matulog. "alalayan nalang natin papuntang kwarto.."

"Ganyan ba talaga yan kapag naglasing?" Tanong ko.

"Minsanan lang. Lalo na kapag tuwang tuwa doc!" Ani Ice.

"Ano ka ba. Tanya nalang!" Biro ko. "Close ba kayo nung ex ni David? Madalas ba yun dito?" Ugh! DAVE ANG BIGAT MO!

Paglabas naman namin ay nakita kong taob narin yung ibang pinsan niya.

"Madalas din pero maldita. Bakit? Dont worry doc mas gusto kita para sakanya.." loko talaga itong si Ice.

"Tanya.." sabi ni David.

"Tanya daw!" Ngisi ni Ice.

"B-bakit?" Hala! Nautal pa! Nailang tuloy ako kay Ice kahit na inaalalayan namin si Dave papunta sa isang kwarto.

"stay away from my cousins.."

"David!" Saway ko sabay tingin kay Ice.

"C'mon stay with me.." dagdag niya pa. Natawa naman si Ice.

"Galawang breezy David!" Singit nito.

"Umayos ka nga! Ugh! Ang bigat mo." Reklamo ko.

"Samahan mo na Doc. Wala rin yang gagawin sayo.." lumapit si Ice sakin. "No erection. Lasing e!" Bulong niya pa.

Namula tuloy ako sa sinabi niya kahit na alam kong dapat open minded ako pero shet! Kapag kay David na di ko yata maisip.

"Lalaki pa rin yan!" Tawa ko.

Del Olmo Series # 01: Tanya's FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon