Firefly #4: Okay Tanya?

327 10 1
                                    

“ what a small world..” natawa nalang ako ng pilit. “ Bar tayo..” yaya ko sakanya.

“ Okay..” malamig niyang sagot at huminto kami sa may isang bar. Pumasok kami dun, pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya para masigurado kong secure ako since hindi ako ganun kasanay magbar. Wala akong kilala dito maliban sakanya.

“ David!!” tawag sakanya ng isang babae na may kasamang lalaki. “ We’re going home with Kevin, ikaw na muna ang bahala sa bar. Lasing na lasing kasi ito, iuuwi ko na muna.”

“ Okay ingat. Text me and be safe denia..” napatingala ako sakanya.

“ Your family owns this bar?!” hindi makapaniwalang sabi ko.

“ I’m the owner.” Seryoso niyang sinabi. “ Bigyan mo nga ng juice to.” Sabay turo niya sa akin habang kinakausap yung bartender.

“ What?! Tequila please!” pinanlakihan ko siya ng mata. “ I’m the customer so you need to give what I want.”

“ Okay, Tequila.” Nung binigay na sa amin ang first drink namin ay sabay namin itong nilagok. Damn! Ang pangit ng lasa. “ are you sure you can handle it Ms. Tamayo?”

“ Tanya nalang..” sumenyas akong isa pa at binigyan na naman ako ulit ng inumin. “ nakakainis talaga, Hindi ko sasayangin ang luha ko sa lalaking yun. Apat na taon, God. Ilang taon niya na kaya akong niloloko?! How ironic. Ang kapal.” Inis na inis na sabi ko.

“ Buti pala yung sa amin ni Gwen, 2 years lang. haha!” nakuha niya pang tumawa.

“ whatever. Boys will be boys!” ininom ko na naman ulit yung isang shot pero this time hindi ko siya maubos ubos. Hindi pa naman ganun kaganda ang alcohol tolerance ko. “ Sayaw tayo dun!” sabay turo ko sa dancefloor.

Del Olmo Series # 01: Tanya's FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon