Firefly #10:Explain

310 10 0
                                    

Tanya’s POV

“ Wala! Wala kang pananagutan!” kanina pa ako nagrereklamo sakanya at kanina pa siya nangungulit sa akin.

pinalo niya ng malakas ang mesa gamit ang magkabila niyang kamay.

“ I proposed. We did it. Ano pa ba ang pwedeng maging rason para di kita mapanagutan?” naiinis niya ng sabi.

Hindi ba alam ng lalaking ito ang tinatawag na hiya? I just gave my virginity to him, tapos nagpropose agad? Romantic ba yun? Nakakainis! Naiinis talaga ako, hindi ganito ang gusto kong proposal! Gusto ko ng flowers, chocolates, balloons, banners, fireworks. Gusto ko ng engrandeng kasal pero anong ginawa ng kulugong ito? Pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko. Babae lang ako, mapusok din at kahit na gwapo siya at isang buwan siyang hindi nagparamdam ay wala pa ring kinalaman dun ang nangyari.

“ So ganun? Magpropopose ka sa gitna ng pakikipagsex mo sa akin? Ganun?” and I saw him widened his eyes. Ang straightforward ko yata? Pero as if naman na hindi hiyang si David sa salitang yan.

“ What do you want?”

“ wala akong gusto.”

“ singungaling!”

“ Kita mo na! Sinasabihan mo pa akong sinungaling! Ang kapal talaga ng mukha mo! Akin na yang panty ko David! Akin na!” sabay abot ko sa panty kong hawak hawak niya and I swear hindi pa yun nalalabhan. Shit! Nakakahiya!

“Give me my brief and my boxers first unless you want to see me naked the whole day.” Pakiramdam ko lahat ng dugong dumadaloy sa katawan ko ay napunta lahat sa tuktok ng ulo ko sa sinabi niya. I want him naked that’s the truth pero hindi ako maharot na nananamantala sakanya.

“ so this is a clear fluid?” sabay tingin niya sa panty ko. Nakakainis! Kakatapos pa lang namin niyan pinag-aaralan niya na.

. “ Anong tingin mo sa akin? May tulo na hindi clear ang lalabas diyan kundi ibang kulay? Ugh! Umalis ka na nga.” Sabay tapon ko sa boxers niya na sumapul sa mukha niya.

“ I’m just joking Love..” saad niya na nakapagpatigil sa akin. “ galit ka pa rin ba?”

“ Hindi ako galit David, naiinis lang.” tipid na sagot ko.

“ Bakit ka naiinis? Nagsisisi ka? dahil ba si Richard pa rin?” halata sa tono nito ang galit. Kaya naman hindi ko maiwasang magpanic.

“ Grabe ka rin! Sa tingin mo ba ibibigay ko sayo ang sarili ko kung di kita mahal at di kita gustong pakasalan? Di ba pwedeng harapin mo muna ang pamilya ko? tapos magpropose ka ng disente?” Hindi siya sumagot pagkatapos kong magsalita. Kita mo to! Natotorete!

“ Opo..” sagot niya saka ako siniil ulit ng halik.

Lumipas ang dalawang linggo at nagpatuloy ang ginagawa namin. Nagkikita kami tuwing off ko na, hinahatid niya ako sa bahay. Nagkakausap sila ni Ate Rio at Ate Cynth pati ang Mommy ko ay kuha niya na ang boto maliban lamang sa Daddy ko.

“ Are you ready?” inayos ko ang kwelyo niya at tinignan siya sa mga mata. Ganoon din siya sa akin.

“ Your father will bury me alive if he’ll find out what I did to you.” Pabiro nitong sabi.

“ I will bury you alive too if you give up on us, lahat ng syringe sa hospital na infected ay itutusok ko sayo hanggang sa mamatay ka.” banta ko.

“ Nakakatakot ka naman Doc.” Biro ulit nito. Napalingon naman kaming dalawa kay Dad na kakarating lang sa bahay. Galing siya sa Manila at alam kong pagod na pagod ito pero hindi na ako makapaghintay pa. Gusto ko ng itali si David sa akin.

Del Olmo Series # 01: Tanya's FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon