Firefly #3: Fiancee

475 9 4
                                    

Bliss#3: Your Fiancee

Pagkatapos ng pangyayaring yun hindi ko na siya kinausap mapalunch man yan o dinner. Sinisigurado kong sa tuwing kausap niya ang daddy ko ay nandito ako sa harap niya. Halatang inis na inis siya sa presensya ko. Pinagsabihan pa siya ni daddy sa ginawa niya but still it’s not a guarantee na pwede ko siyang ifire. Nag-usap kami ni daddy tungkol sa nangyari at siya? Poker face lang dahil sinabi ni daddy na hindi niya pwedeng tanggalan ito ng trabaho since magkaibigan sila ng mommy ni David pero pinagsabihan niya akong takutin ko lang for my revenge, siya na daw ang bahalang kumausap sa daddy ng hinayupak. Kaya mahal na mahal ko ang daddy e. spoiled ako sakanya.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko ang dalawang ate ko at si mommy sa may sala.

“ David texted me. Tinanggalan mo daw ng trabaho?” seryosong tanong ni ate Cynthia. Ngumisi naman si Ate Rio.

“ Corazon, anong ginawa mo? Tama ba yung narinig ko?!” hindi makapaniwalang sabi ni mommy. Shit that Corazon thingy mommy! masusuka na yata ako sa pangalan ko.

“ Deserves him right. Siya lang naman yung dahilan kung bakit nandito ako sa bahay ng tatlong araw. The nerve.” I retorted. Naiinis talaga ako sa tuwing naalala ko yung mukha ng walang hiya! Hayop!(-__-t)

“ baka naman kasi may ginawa ka sa hospital?” paninigurado ni ate rio. “ kawawa naman yung tao, sayo suspension lang tapos siya trabaho talaga?”

“ Kakampihan niyo pa yung walanghiya?! Ang bastos talaga! Isipin niyo nalang ha? nakita lang na humalik ako kay daddy sa pisngi at niyakap siya. Mistress daw kaagad ako? Seriously?! Mukha ba akong kabit?! Aish!”

“ Disadvantage of not being recognized by public sissy.” Natatawang sabi ni ate Rio. Tapos kwinento ko yung nangyari at halos humagalpak silang tatlo sa kakatawa. Anong nakakatawa?

“ Poor David. Kawawa naman yung kaklase ko sayo Tanya! I cant believe this, hahaha! Tatakutin mong mawawalan ng trabaho para magtanda?!”

“ kasabwat ko naman si daddy at ang daddy ng hinayupak eh! Kailangan niya munang lumuhod bago ko siya mapatawad.”

Del Olmo Series # 01: Tanya's FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon