Firefly #7: Already Did

350 10 0
                                    

Firefly #7: Already Did

Buong maghapon kami ni David nag usap. Naglibot libot kami at sumulong din sa dagat kahit na mataas ang tirik ng araw. Marami din kaming nakilala habang namamasyal na kahit papano nakalimutan ko rin ang problema ko sa bahay.

"Thank you.." wika ko. "Hmmm..dito ka na kaya magpalipas ng gabi?" Wala sa sarili kong sabi. Ngumuso lamang si david habang inaabot sakin ang susi ng hotel room.

"Gustuhin ko man pero.."

"Oh come on Dave. You are not going to rape me naman and besides kailangan ko din ng kasama.."

"Stubborn huh?" Napansin kong humagikhik yung receptionist. Kinilig yata? O talagang assuming lang ako? "Miss, pwedeng icancel nalang to?"

"Sure Sir.." sagot ng receptionist. Nagtaka naman ako. Inirapan ko si David.

"Oy. Oy!" Naalarmang sabi ko. Nilabas niya ang cellphone niya at mukhang may tinext. Tumingin siya sa relo niya at ngumiti sa akin. Nakakaiyak! Parang kidlat lang ang mga tingin niya. Sparks! Ugh. Nakakainis na kagwapuhan yan! "Bakit mo icacancel?"

"By 9pm nandito na sila. Sa resthouse ka na namin makitulog? Ayaw mong umuwi diba?"

"Oo. Pero.. bakit?" Lumapit siya sa akin kinuha ang bag na bitbit ko. Hawak hawak niya ito habang nakahapit ang kanang kamay niya sa bewang ko.

"Its safer Tanya.."did he assured me that freakin security from him? Kasi pakiramdam ko mas nagwala yung tibok ng puso ko. Napakaiksing salita pero hinihila ako nito papalapit sakanya. Gusto ko tuloy uliting tanungin ang sarili ko? Is it really possible to fall inlove with a stranger?

"Ah okay." Tongue tied. Laslas! Speechless. Namumuro na itong Del Olmo na to! Aba! Tsk pero di na ako tumanggi kasi naghihintay na kami sa labas ng hotel. Wala kaming imik sa kakahintay. Lumalalim na ang gabi at lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Niyakap ko ang katawan ko at dahan dahang hinaplos ko ang mga balikat ko. Ayoko sanang ipakita sakanya pero di ko na mapigilan.

"Give me your keys, pinsan ko na ang magdadrive ng kotse mo papuntang talyer.." he is authorative! Darn intimidating! I gave him my keys. Hinuli ng mga kamay niya ang kamay ko. He rubbed it using his hands. Nagulat ako at di makapaniwala. Idinampi niya iyon sa pisngi ko at niyakap niya ako.

"Sa hospital ang bag-"

"Ang lamig.." bulong niya. Nanghina ang tuhod ko. Paano niya nagagawang gawing sexy ang isang salita? Mahuhulog na yata ang puso at atay ko sa lupa! Stop beating heart! Stop it! You cant! No. "I should be thanking the weather for this.."

BEEP!

Sa sobrang gulat ko ay napatalon ako at naitulak ko si David. Nilingon ko ang sasakyan na bumusina at sumalubong samin ang mga pinsan niyang malalawak ang ngiti at kapag sinabi kong malawak I mean it literally.

"Damn dude! Porn!" Sigaw nung isa..

"Tarantado ka Kevin!" Hiyaw naman ni David. "Lets go?"

Del Olmo Series # 01: Tanya's FireflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon