Kabanata 17

40.6K 639 31
                                    

Kabanata 17

"Bakit mo tinatanong kung ano ang ikinamatay ng kapatid ko? Hindi ba maaaring yung tungkol sa ating dalawa na lamang ang pag-usapan natin?" seryosong tanong ni Aaron kay Clarisse na hindi makapagsalita sa kanyang mga sinabi. Alam naman niya sa sarili niya na hindi simpleng pagtingin lamang ang nararamdaman niya sa dalaga. Unang beses pa lamang niya itong makilala si Clarisse ay pinukaw na nito hindi lamang ang kanyang isip kundi ang damdamin niya.

Hindi na niya gusto pa ang lituhin ang sarili sa babaeng nasa panaginip niya. Panaginip lang naman iyon na dapat lamang na isantabi.

"Anong ibig mong sabihin Aaron?" nagtatakang tanong ni Clarisse habang nakayuko ang ulo nito. Hinawakan ni Aaron ang baba ng dalaga upang makita ang kagandahan nito.

"Alam mo kung ano yun Clarisse." ngumiti lamang siya at unti-unting inilapit ang mukha niya dalaga hanggang sa iilang metro na lamang ang layo ng kanilang mga mukha. Pumikit si Clarisse na handang tanggapin ang kanyang mga labi.

***

"KAKAIN NA!" halos mapalundag sina Clarisse at Aaron ng bigla na lamang sumulpot ang katiwala at tawagin sila upang kumain. Agad umayos ng pwesto si Clarisse habang napatikhim na lamang ang binata.

"Manang naman bakit bigla-bigla kayong sumusulpot." asar na pagsita ni Aaron sa katiwala habang palihim lamang na natawa si Clarisse. Nanghihinayang man ang dalaga sa naudlot nilang moment ng lalaking nagpapasaya at umaalis ng lahat ng takot niya. Tumayo na ang binata at pinagpag nito ang ilang damo sa pantalon nito bago inilahad ang kamay upang alalayan siyang tumayo.

"Naks! Gentleman ka na ngayon?" pagbibiro ni Clarisse at iniabot ang kanyang kamay sa binata. Sandaling nagkasalubong ang mga mata ni Clarisse at ng katiwala kaya agad na naman siyang nilukuban ng takot.

"Sayo lang ako ganito. Tara balik na tayo sa mansion. Sa susunod dito na tayo kakain para walang istorbo." matipid lamang siyang ngumiti at tumingin muli sa matanda. Halos panayuan ng balahibo ng makita na masama ang tingin nito sa kanya.

Inalalayan siya ni Aaron pabalik ng mansion dahil maputik at makitid ang bawat pilapil na dinadaanan nila. Nandoon pa din ang kanyang pagka-ilang lalo pa't nasa likod lamang nila ang katiwala. Pagkabalik sa mansion ay iniwanan muna siya ng binata para magpalit ng damit.

"Magpapalit lang ako ng damit ha? Naputikan ako. Mauna ka na sa komedor, susunod na lang ako." ngumit lamang ang dalaga. Halos mapasigaw siya ng sa pagtalikod niya ay nasa harap na niya ang katiwala, mabuti na lamang at napigilan niya ang kanyang sarili. Nagulat na lamang siya ng bigla siya nitong hilahin papunta sa kusina.

"At talagang nakikipag-mabutihan ka pa kay Aaron?" tanong nito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang matanda. Ano namang masama kung makipagmabutihan siya sa binata. Hindi niya maunawaan kung nagagalit ba ito o may hinanakit sa tono ng pananalita nito.

"A-ano po b-bang masama roon?" natatakot na niyang tanong sa matanda.

"Meron! Magagalit ang paborito kong alaga. Bakit ka ganyan? Lalo siyang hindi matatahimik!" pinanayuan na ng balahibo si Clarisse sa kanyang mga naririnig. Ang tinutukoy ba ng matanda ay ang kapatid ni Aaron? Ngunit anong kinalaman niya roon? Ni hindi nga niya nakikilala ito.

"H-Hindi ko k-kayo maintindihan. Nababaliw na kayo." hindi siya dapat nagpapaniwala sa matandang ito. Mukang nababaliw na ito.

"Ayoko ng takutin ang sarili ko! Ayoko ng makinig sainyo. Nababaliw na kayo Manang. Nurse ako at alam ko yun. Magpatingin na nga kayo!" hindi na niya kaya lalo pa't pati pagtingin niya kay Aaron ay ginugulo nito. Tumalikod na siya upang tapusin na ang kahibangan nito ng muling magsalita ng matanda.

"Lalo kang hindi patatahimikin ni ALLEN! Hindi ka niya patatahimikin VICTORIA!" nanlalaki ang mga mata niya na humarap sa matanda.

Nang marinig ang pangalan ni Allen ay agad siyang lumingon sa matanda. Paano nito nakilala ang lalaki sa kanyang panaginip? At sino si Victoria?

itutuloy....

Sabaw na update! I-uupdate ko ulit pag nagka-time. Basta ito na pag-tutuunan ko ng oras. :) COMMENT po. Hihi. Nakakatakot mag-update!! Kalurks.

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon