Chapter Twelve Part ||

18.6K 688 32
                                    


(Abby POV)

Pagkatapos kaming kumain at pumasyal, hinatid na kami ni Marky dito sa bahay namin. Dali-dali namang pumasok agad si Trabby para i-kwento lahat kay lola.

Papasok na din sana ako ng biglang mag salita si Marky.

"Cousin, Uhmm. Kasi" saad ni Marky.

"Ano?"

"Bukas na starting ng business namin, kaya dapat nandoon kana. Here" saad ulit niya at may binigay sa aking isang maliit na papel.

"Dyan ka pupunta, and I hope you can survive" dagdag pa niya.

"What! Oh fuck! I can't! Hindi na ako pupunta!" Sigaw kong saad sa kaniya.

"Okay, I will dialed his number now" pagbabanta niya kaya kinuha ko agad yung cellphone niya.

"Okay fine! Eto na nga oh! Excited na nga ako para bukas eh!" Saad ko sabay fake smile sa kaniya.

Mas lalo naman akong nainis ng ngumiti siya.

"Good, give me my phone now! I need to go" saad niya, padabog ko namang binigay ang cellphone niya dahil sa inis.

"Goodluck for tomorrow Cousin!" Sigaw niya pa, sabay takbo na papunta sa kotse niya!

Urggg!! Bakit ko ba kasi naging pinsan yon?!

Kinabukasan maaga akong nagising, ewan ko ba kung bakit! Hindi naman ako excited! Ayaw ko ngang pumunta sana don eh kaso yung pinsan ko kasi!!

Tumawag naman ako kay Marky at agad naman niya itong sinagot.

"Oh ang aga natin cousin ah hahahahha, handa ka na naman bang ma fall?" Pambungad niyang saad sa akin.

"Gago! Akala ko ba galit ka sa kaniya dahil sinaktan niya ako?"

"Galit nga ako, kaya nga binibigyan din kita ng pagkakataon para saktan din siya ahahha" saad ni marky.

"Tsk! Ano bang oras punta ko?"

"6:30 pa naman ngayon pero mas maganda siguro kung pumunta ka na don para magulat siya hahhaha"

"Okay" saad ko at pinatayan na siya.

Naaasar kasi ako sa tawa niya parang masayahing demonyo.

Agad naman akong nagbihis at kinuha ko ang simpleng dress ko.

"Mommy where are you going?"

"I have a work baby, dito ka muna ha? Bantayan mo si lola"

"Yes naman po mommy" saad naman ng anak ko, urgh!! Ang cute niya para siyang si ash! Kamukhang kamukha niya talaga but I'm thankful kasi hindi niya nahalata nung nagkita sila.

"Baby aalis na ako ah? Byebye"

"Mommy, Where's my daddy? I thought he will go here na. You said his in America but he didn't even call us" malungkot na saad ng anak ko. Urggg! Dapat sinabi ko nalang na patay na ang ama niya!Aisht! Five years old na si trabby at napakatalino niyang bata.
Lahat alam niya.

Five years nadin ng may mangyari samin ni ash! Five years na din akong nagpapakatanga sa kaniya.

"Soon baby, soon you will see your dad" I said and kiss his forehead.

"Okay Mommy ingat" saad naman niya at hinalikan  ang pisngi ko.

Okay!Kailangang hindi na ako pa apekto sa kaniya! I need to be strong!

My first kiss, My boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now