Chapter Eight

19.4K 743 29
                                    


(Abby POV)

Pagdating namin dito sa kusina kumuha agad ako ng mga lulutuin pero nagulat nalang ako ng hinila ako ni Ash at pinaupo niya ako sa upuan.

"Ako na ang magluluto, may sakit ka pa. Umupo ka muna dyan" saad niya at agad na siyang kumuha ng lulutuin niya.

Bakit kaya nag fifilipino yon? Hayst ang hot niya tuloy. Hindi kaya narinig niya yung mga sinabi ko sa kaniya? Imposible naman, lasing kaya siya non. Pagkatapos ng ilang minuto nilapag na ni ash yung niluto niyang sinigang na baboy, buttered shrimp at buttered vegetables.

"Kain na tayo" saad niya sakin kaya kumain na agad ako, kasi gutom na gutom na talaga ako.

Masyadong tahimik kaya binasag ko yung katahimikan.

"Galit ka pa ba sakin?" Pagtatanong ko sa kaniya at bigla naman siyang natigil sa pagkain at tumingin sakin.

"Nope" tipid niyang sinabi.

"Bakit ang cold mo sumagot" pagsasaad ko at ngumuso sa harapan niya pero hindi niya ako pinansin at tuloy lang siya sa pagkain.

"Kung galit ka o nainis ka sakin dahil hinalikan ko si dr--" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko ng bigla niyang hinila yung damit ko at hinalikan ako.

"Don't mention that name, naiinis ako" pagsasaad niya.

"Bakit ka naiinis?"

"Nevermind" pagsasaad niya ulit at tinuloy nalang yung pagkain niya.

Naiinis ba siya kay drake dahil hinalikan ko siya? O baka naiinis siya dahil nakita niya si drake at yung ex niya? Hayst!

Pagkatapos naming kumain, pumunta naman kami sa sala para manood.

"Ano gusto mong panoorin?" Pagtatanong niya sakin, himala nadadalas na yung pagsasalita niya ng filipino.

"Kahit ano" pagsasaad ko. Kaya siya na ang pumili ng papanoorin namin.

Pinili naman niya yung Gonjiam Haunted Asylum sa una palang nakakatakot na at yun yung pinaka ayaw ko. Takot kasi ako sa horror movies pero hindi naman ako makakatutol dahil sinabi ko na kahit ano na.

Habang nanonood kami bigla nalang akong nagulat ng pinakita yung mukha ng multo kaya bigla akong napayakap kay ash at sinubsob yung mukha ko sa dibdib niya.

Mga ilang oras din akong nakayakap sa kaniya at nagulat nalang ako ng bumulong siya sakin.

"Enjoying hugging me huh" pagkabulong niya non ay bigla ko siyang naitulak at hindi ko nalang siya tinignan.

Tinuon ko nalang yung pansin ko sa pinapanood ngunit maya-maya'y meron na namang nagpakitang multo kaya napatingin ako sa kaniya at accidente ko siyang nahalikan.

Ohmy! Nakatingin pala siya sakin kaya nung lumingon ako deretso yung labi ko sa labi niya.

"Now your kissing me, baka mamaya reypin mo na ako niyan" pagsasaad niya sakin at biglang ngumiti.

"Arghhh! Mas masarap pa halik ni drake" nagulat naman ako ng nasabi ko yon.

Shit! anong nangyari sa bunganga ko?!Tumingin naman ako sa kaniya at biglang dumilim yung paningin niya.

"Uhmp eh ka--" naputol nalang yung sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan, hindi lang yon basta halik. Banayad yung paghahalik niya sakin at parang May something sa halik niya. Yung halik na parang may pagmamahal.

Hayst! Tangina nag aassume na naman ako!

"This lips is for mine only, Don't try me. Wag mong ipaabot sa punto na pati yang gitna mo hahalikan ko just to inform you that you are mine alone. Understand?" Pagsasaad niya at sa gulat ko ay napatango nalang ako.

"Good" sabi niya at tinap yung ulo ko bago niya ako iwang tulala dito.

Fuck! Bakit ako tumango?!

Bakit ba siya ganon?!

Pafall siya!

Bwiset! Lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya!

At yun yung pinakaayaw ko. Pano kung malaman niya na ako yung babaeng katalik niya sa bar noon?! Fuck!

My first kiss, My boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon