Simula

60.4K 1.7K 164
                                    

"Hoy! Abby yung dare gawin mo na!"  Galit na sabi ng kaibigan kong si Claire.

"Kaya nga!!!! Yung pangatlong dadaan dito sa pwesto natin 'yon yung hahalikan mo." sabat naman ni Jane na kaibigan ko.

"Tangina, ayaw kong gawin!!!" Galit kong saad sa kanilang dalawa.

"If you will not do the dare, then pay 10,000 pesos."  saad ulit ni Claire.

"Yeah, bayaran mo kami. Deal is a deal Abby! Walang kaibiganan kung ganito ang usapan." sabat na naman ulit ni Jane.

Hayst bakit ba naman kasi ako nakisali sa pustahan nila? ayan tuloy gagawa ako ng bagay na aking pagsisisihan sa tanang buhay ko!!!!

"Okay fine." pag sang ayon ko nalang. Kahit labag na labag ito sa kalooban ko.

Sino ba naman kasi ang tangang papatol sa dare nila? Ghaddd, ayaw ko namang magkaroon ng first kiss--- uh wait may nahalikan na ako pero di 'yon nabibilang saken. 'Cause limot ko na 'yon, that was my biggest nightmare at ayoko ng alalahanin pa iyon. Kaya naman kahit anong sabihin nila first kiss ko ang mangyayaring dare ngayon! Teka nga, Sino nga ulit yung tangang papatol sa dare? Edi sino pa ba kung hindi ako? Hayst.

Huhuhu, Ayaw ko namang magbigay ng 10,000 noh! 1 peso nga wala ako 10,000 pa kaya?

"One!" 

pagbibilang ni Jane sa unang lalaking dumaan sa pwesto namin.

Pinagmasdan ko naman ang kabuoan ng lalaki. Makapal ang kilay, chinito, maikling pilik mata, matangos ang ilong, malaki ang bibig, maputi, matangkad pero juts.

"Two!" 

saad naman ni Claire.

'Oh fuck!!!' napamura nalang ako sa aking isipan. Huhu seryoso ba talaga sila? Hmp kaya ko 'to, para naman wala akong babayaran sa kanila.

Infairness mas pogi itong pangalawa kaysa sa nauna. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata, maganda ang labi at malaki ang hotdog (kung ano ang nasa isip mo, iyon na 'yon).

"THREE!" 

Sigaw nilang dalawa.

Laking gulat ko naman nung tinulak nila ako papunta sa lalaking kadadaan lang sa pwesto namin.

Fuck ang sakit nauntog yata ako sa pader! But Im so shocked 'cause I didn't bumped to a wall, Fuck! Nauntog ako sa chest ng lalaking kaharap ko ngayon, unti-unti naman akong tumingin sa kaniya and he look so angry! Wala na akong sinayang na oras kaya hinalikan ko na siya kahit hindi ko pa napagmamasdan ng maiigi ang kaniyang mukha. I don't want to lose my money! Kaya naman mas maganda na direct kiss na agad kaysa naman pagmasdan ko pa eh baka mahiya na ako at hindi ko na magawa ang dare ng siraulo kong mga kaibigan. 'Di ko nga alam kung kaibigan pa ang itatawag ko sa kanila eh.

"Fuck! woman why did you kiss me?" Sigaw niya, tsaka ko lang napansin na ang gwapo niya at may katangkaran. Feel ko kilala ko siya or baka naman magkamukha lang sila. Arghh bakit ba naisip ko pa yung mokong na lalakeng 'yon ngayon.

"Sorry it's just a dare." I said trying to calm myself, but I'm so shocked when he kiss me.

"Now we're fair." he said and left me without my words!



[Warning: MAGULO PO ANG KWENTO NA ITO AT HINDI KO PA NAEEDIT, MARAMI PONG TYPOGRAPHICAL AT GRAMMATICAL ERRORS. SO PLEASE BARE WITH ME.🥺 TAMAD DIN PO ANG AUTHOR PASENSYA NA. IKAW NA BAHALA KUNG ITUTULOY MONG BASAHIN ITO HEHE BINALAAN NA KITA😊]

My first kiss, My boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now