Chapter Five Part ||

21K 803 20
                                    


(Abby POV)

"Oh my ghad!! 9:30 a.m na!!! Paano yan late na akong nagising" pasigaw kong saad, pagkatapos kong makita kung ano ang oras.

Dali-dali na akong bumaba sa kusina at nagbabakasakaling tulog pa si Ash.

Paano na yan? Paano kung totohanin niya yung sinabi niya na kakainin niya ako? Omyghadd.

Pagdating ko sa kusina may nakita akong papel na nakadikit sa refrigerator kaya binasa ko naman ito.

"Ang tagal mo gumising kaya ako nalang nagluto ng pagkain ko. Huwag mo na akong hatiran ng pagkain mamaya, by the way susunduin kita mamayang 5:00 pm dahil may family reunion kami at sabi ni lola isama daw kita." Pagbabasa ko sa nakadikit sa refrigerator.

Oh my! Bakit kailangan kasama ako? Dali-dali naman akong pumunta sa kwarto ko at naghanap ng magandang isusuot.

Nakakahiya naman kung mag bibihis ako ng pang maid.

Pagsapit ng 5:00 wala pa rin si Ash kanina ko pa siya hinihintay. Narinig ko naman ang pagbusina ng sasakyan. Siguro siya na yon.

"Tara na!" Saad niya sa akin at binuksan ang pintuan ng kotse niya kaya pumasok na ako.

"Sabi ko sayo kagabi na maaga kang gumising!" Pagalit niyang saad. Argg! Akala ko nakalimutan na niya.

"Eh! Sa late ako nagising! Sorry naman" saad ko din sa kaniya. Hindi naman na siya nagsalita kaya tahimik lang kami buong byahe.

"Oh apo, iha, tara pasok na kayo. Kayo nalang ang hinihintay namin" saad ng lola ni ash kaya pumasok na kami.

Pagkapasok namin laking gulat ko nung makita ko yung ex ko at yung fiancé niya.

Hindi kaya yung tinutukoy ni ash sakin noon ay si drake? Fuck what a small world.

-Flashback-

"Tangina drake! Ano yung nabalitaan ko na ikakasal kana bukas! Akala ko ba mahal mo ako!" Galit kong saad sa boyfriend ko habang hinahampas ang dibdib niya.

"Babe, I'm so sorry. I need to do this for the health of my father" saad niya habang pilit niya akong niyayakap.

"Paano naman ako! Tangina kalilibing lang ng mga magulang ko ngayon! Tapos dadagdag ka pa! Bakit? Hindi mo ba ako kayang ipaglaban?!"

"Babe, I'm so sorry"

"Don't call me babe! Huhuhu" iyak kong saad.

"Mahal kita abby mahal na mahal, pero mahal ko din ang papa ko. Ayaw kong mamatay siya" saad niya din sa akin.

"Drake! Ayaw mong mamatay papa mo? Pero ako unti-unti mo ng pinapatay!! Durog na durog na ako drake!"

"I'm so sorry abby"

"Fuck!!! Get out of my sight!! I don't want to see your face again!!" Saad ko at tinulak tilak siya palayo.

"Abby sana huwag mong kalimutan na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang laman nito" saad niya at tinuro ang dibdib niya bago siya umalis.

Fuck!! Wala na akong alam na pwedeng puntahan kundi sa bar.

Nadito ako sa bar ngayon at nilulunod ng alak ang sarili ko.

Gusto kong makalimutan lahat ng sakit!

"Hi" saad naman ng lalaking tumabi sakin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paginom ng alak.

My first kiss, My boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now