CHAPTER Forty-Seven

293 30 4
                                    

CHAPTER 47

 [[ KATH's POV ]]

Sobrang sakit ng katawan ko. Naramdaman ko na lang na may nakahawak sa kamay ko, at sa isang kamay ko pa ay may nakalagay na kung anong naka-tape, sa ilong at bibig ko ay may nakapasok na kung anong bagay. Didilat na sana ako pero may narinig ako kaya pinakinggan ko muna kung sino itong humahawak sa kamay ko.

"Alam mo, kaya ko sinabing ako na lang ang mahalin mo dati kase ayokong masaktan ka. Look what happened to you." boses pa lang alam kong si Gino na ito. Pero anong ginagawa niya dito? Oo nga pala nabaril ako ni Jena. Malamang alam na nilang lahat ang nangyare. Pero bakit si Gino ang kasama ko dito?

"Alam kong pinaubaya na kita kay Daniel pero sinabi ko rin sa kanya na babawiin kita kapag sinaktan ka niya. At ito na iyon. Gumising ka na Kath. Isang araw ka ng tulog. 'Wag mo kaming iiwan ha." hinahaplos pa rin niya ang mga kamay ko.

Gusto kong ilayo ang kamay ko dahil feeling ko pinagtataksilan ko si Daniel, pero break na nga pala kami.

"I know mahirap kasi alam kong ayaw mo na sa akin, pero I just want you to be happy. Kahit gamitin mo ulit akong panakip butas, ayos lang. Ayoko lang makita kang umiiyak." Minsan, gusto ko ng sapakin si Gino kase ang tanga tanga niya. 

Kung ano anong pinagsasabi nito. Dumilat na kaya ako?


Bigla kong narinig na bumukas ang pintuan. "Gino, umuwe ka muna sa inyo at kumuha ng mga damit mo. Kami na muna ang magbabantay ni Trace dito." Sa wakas narinig ko din ang boses ni mommy. Buti at ayos lang sila.

"Sige po." sabi ni Gino at narinig kong sumara ang pinto.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nagulat sila mommy at daddy.

"Kath! Mabuti naman at gising ka na!" bigla silang lumapit sa akin at niyakap ako. "Sayang hindi mo naabutan si Gino." sabi ni mommy.

Magsasalita sana ako pero may kung anong nasa bibig ko kaya lumapit si daddy para tulungan akong tanggalin yun.

"'Wag niyong sasabihin kay Gino na gising na ako. Ayoko lang na humarap sa kanya sa ngayon." sabi ko.

"Ha? Hindi mo ba alam siya ang halos nagbabantay sa'yo parati simula ng ma-ospital ka? Anak, siya ang dapat na mahalin mo hindi 'yang Daniel na 'yan!"  nagagalit nanaman si mommy.

"Ma, ang hirap ng pinapagawa niyo. Alam kong mahirap din para sa inyo na kalimutan si tito Max dati." sabi ko.

Natulala na lang siya at tumingin kay daddy. "Alam ko. Pero ng dahil kay Trace nakalimutan ko na siya."

"Anak, magpahinga ka na lang muna. Saka na natin pag-usapan ang tungkol d'yan." sabi ni daddy.

UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now