Chapter 52

58 4 0
                                    

Chapter 52

[[ DANIEL POV ]]

Kath looked at me na parang sinasabi niyang 'ah hindi mo sinabi na ex mo ako?'

Kinuha ko yung arm ni Liz at binulong, "Ang daldal mo. She's my ex ano ba!" she was shocked.

"OH dear." she looked at both of us. "Kayo naman hindi niyo sinabi sa akin na magkakilala pala kayo. Kaano ano mo ba itong mokong na ito ha Naomi?" she asked Kath.

"Ah, hindi mo pala sinabi sa kanya?" Ang sama ng tingin niya sa akin tapos lumingon siya kay Liz, "He's my ex."

Nagulat naman kunwari si Liz. "Ganun? So, awkward ito?" biro ni Liz. Buti na lang at busy si Gino nakikipag-usap kay Elle at sa mommy ni Elle. Mas awkward lalo kapag kasama siya sa usapan.

"'Wag na natin pag-usapan yun Liz." sabi ko. "Gawin na natin yung dapat mong gawin dito at may aasikasuhin pa tayo di ba?"

"Ay oo nga pala, thanks for reminding me dear." biglang naging sweet sa akin itong si Liz.

Noong nasa Germany pa kasi kami, napagkwentuhan namin about sa mga ex namin. At sabi namin sa isa't isa, kapag bumalik kami sa Pilipinas at nakita namin sila, pagseselosin namin. Naniniwala kasi si Liz na kapag mukhang nagselos yung ex mo, it means may halaga ka pa sa kanya.

Kaya ngayon, hahanapin ko ang chance ko kay Kath. Kung nabawi ko siya dati kay Gino, I'm sure mababawi ko rin siya ngayon.

"Congrats nga pala sa inyo." Kath said awkwardly with a fake smile. Alam ko naman na kung totoo ang smile niya o hindi. Matagal ko na siyang kilala.

"Oh, Kath, ang ex ay ex na 'di ba?" inasar siya ni Liz kaya napatingin si Kath sa akin.

"Y-Yes po ma'am. Wag po kayong mag-alala. Mahal ko po si Gino." paliwanag niya. Medyo nasaktan ako pero ganun talaga. Sinaktan ko siya kaya kanino pa siya lalapit?

Liz hugged her. "Thank you! Pano, magkita na lang tayo sa next shoot ha?" Kath nodded.

"Bye Ms. Irelia." inasar ko pa siya kaya inirapan niya ako. "Bye, Mr. Ezreal. Hope we won't see each other again."

I smiled. Yung smile na magpapaibig sa kanya ulit. "I know you always want to see me Ms. Irelia, wag mo ng ideny." kininditan ko pa siya kaya kumunot ang noo niya.

Nagpaalam na kami sa mommy ni Elle at kay baby Elle at umalis na. Medyo natuwa ako sa ginawa ko kasi nakakatuwang asarin ulit si Kath. Pero nung nakita ko si Gino, pinigil ko ang kamay kong sapakin siya.

"Pre, we're going." sabi ko sa kanya at nag-nod lang siya. Wow. Man of few words.

***

[[ KATH POV ]]

SHET KA. SHET KA.

You never fail to make my heart beat this fast, Daniel Ezreal.

"Princess, may problem ba?" biglang lumapit sa akin si Elle at sila Gino. "Nakahawak ka kasi sa puso mo eh, are you okay?"

Napatingin ako sa kamay ko at para akong nagf-flag ceremony dito kaya binaba ko kaagad ang kamay ko. "Nako baby, wala yun. Okay lang ako." then she smiled.

"I think we should go too. Magpahinga ka na." sabi ni Gino.

"Oo nga. You should rest. Mukhang pagod ka." sabi nung mommy ni Elle.

Nagpaalam na tuloy kami doon kahit na gusto kong makipaglaro kay Elle. Nakakainis naman kasi eh bakit dumating pa si Daniel sa landas ko.

Pagkasakay namin ni Gino sa kotse, kinausap niya kaagad ako.

UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon