Thirty-Seven -Acceptance

573 44 7
                                    

Thirty-Seven -Acceptance

-Kath's POV-

Akala ko kami kami lang nila Jake, Bea, Anna at Enrique ung invited pero hindi pala. Nagulat na lang ako nung party na eh andun din sina Daniel at Mika. O___O

Pero pumayag si Gino na maging partner ko for that night ahh. AND he's so handsome. Syempre ako ata yung nag-ayos sa kanya ngayon. Ako pumili nung black suit niya na merong cute na maliit na bowtie.

And ako naman, black dress na parang gown. Tube siya tapos hanggang tuhod lang yung length niya. Nagalit nga saken si Gino eh baka daw lamigin ako kase tube lang daw.

Pero wala na siyang magagawa kase naman andito na kami sa party ni Anna.

INFAIRNESS. Ang ganda ng venue ahh. Mala-palasyo talaga. And, si Anna, SHE'S SO BEAUTIFUL. Parang prinsesa talaga. Ang ganda ng gown niya eh. Pink. And may matching crown pa siya. And sa tabi niya nakatayo si Enrique tapos ang saya saya nilang nag-uusap.

Nasa table kami ngayon kasama din yung ibang students sa school namin na friends siguro ni Anna.

Pero katabi ko si Gino at sa kaliwa ko si Bea na katabi naman si Jake. (Basta pabilog yung table eh)

Then, nung kainan na, sabi ni Gino na siya na daw yung kukuha ng pagkaen ko at sumabay na din si Jake sa kanya kaya naiwan kami ni Bea dito. -___- wait. Parang nangyare na ito ahh?! Kaya lang hindi si Gino yung kumuha ng pagkain ko dati...Si Daniel.

Sigh. Tama na. Si Mika na yung partner niya ngayon kaya pwede bang wag na natin siyang pag-usapan?! BREAK NA NGA KAMI EH. SO,....EX ko na siya.

After naming kumain, syempre may picture picture pa. Nung una ayaw ni Gino na magpapicture kaya lang hinila ko siya eh. Pero nung matapos na yung picturan eh hindi ko namamalayang magka-holding hands parin kami. O___O SHOOOCKS.

"Thank you nga pala sa inyo sa pag-attend ha. Salamat din sa gifts." sabi ni Anna.

"Wala yun, ikaw pa." sabi ni Bea.

"Salamat din sa party ha. Happpy birthday uleee!!!" sabi naming lahat.

"THAAANKS." sabi ni Anna.

At yun nga palabas na kaming lahat nun. Sabay sabay eh noh? HAHA. Ng bigla akong ma-hatching.

"HA-CHOOO." sabi ko.

"Tch. Tigas kase ng ulo mo at nag-tube ka pa. Tss. Feeler." sabi ni Gino.

"Tss. Ako pa fee---" napatigil ako kase naman pinatong niya sa shoulders ko yung Jacket nung suit niya. O___O Nagulat din silang lahat nung gawin niya yun. As in lahat sila nakatingin samin. NAKAKAINIS NGA EH. Nag-blush ata ako nun.

Tch. Bat ba ang sweeet sakin nitong Gino na to? Psh. Ahh, kase he likes me nga. -____-

"Dami mong dada." sabi ni Gino. "Mabuti pa umuwe na tayo at baka magkasakit ka nanaman."

TCH. Ano namang meron kung magkasaket ako? Ayaw ba niya akong alagaan? Tch. Grabe lang ahh. Eh ngayon nga lang ako nagkakasakit eh ewan ko ba. Nung bata ako di naman ako ganito.

"Ano? Nagkasakit ka Kath?" nagulat naman ako kase biglang nagsalita si Daniel. Che. Chismoso pala to. Kanina pa ata nakikinig sa usapan namin.

"Tch. Ano naman sayo kung nagkasakit ako?" tanong ko.

Tumingin na lang siya ng masama kay Gino. Ewan ko ayan nanaman yung tinginan nilang masama. Aba ewan ko parang yan na ata pag-uusap nilang dalawa eh. May suntukan, sapakan sipaan na ata sa tingin na yun. O___O

UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now