Thirty-Nine -Summer Break

492 41 12
                                    

Dedicated to you kase inaantay mo ata talaga itong update na ito. :> Inaantay mo nga ba? Haha! Happy 13! :> Thanks sa reads!

Love love love!

 ..

Thirty-Nine -Summer Break 

Natapos na yung pagiging 1st year nila. Dahil lahat naman sila nag-effort dun sa ginawa nilang project eh lahat sila may grade na 100. Pero ang pinaka-nagustuhan ng prof nila ay yung luto nina Bea at Gino. Well, magaling sila magluto pareho eh.

Sumali na din si Gino sa basketball varsity kaya naman yung bestfriend niyang si Aki eh medyo tinuturing na rin siyang kalaban. Pero when it comes to Kath, eh wala ng paki si Aki sa kanila.

Di rin nagtagal at umalis na lang ulit sa bahay nila yung parents nila Kath at Aki dahil nga away na lang sila ng away parati. Para naman daw matapos yung pag-aaway nila eh lumayo na lang sila kina Kath para di na sila madamay pa.

Gustong malaman ni Kath kung ano yung pinag-aawayan ng parents niya pero they don't want to tell her kaya naman hinayaan na lang sila ni Kath.

Si Daniel naman, dumating na yung dad niya and ayun, nabawasan na yung pagiging HEAD ng mommy niya. Kaya ayun naman si Daniel eh nagpapatulong sa dad niya. At may nalaman siyang kwento.

-Daniel's POV-

My dad told me na dapat matuto daw akong lumaban dun sa arranged marriage na yun kung may taong minamahal daw ako. Nagsisisi daw siya noon dahil na-arrange siya kay mommy pero ibang babae yung gusto niya. Hindi niya nga lang sinabi kung sino kase ayaw na niyang pag-usapan pa. Pero mahal na mahal daw niya yun dati.

Pero si lola daw kase, ipinamana sa kanya lahat ng ari-arian nito kaya naman kailangang lumago yung business kaya pinakasal siya kay mommy na isang anak ng may ari din ng malaking company noon.

According to dad, eh si lola daw ang nagsabi dun sa ex ni dad na hindi na siya mahal ni daddy. Kinulong siya sa bahay kagaya ng pagkulong sa akin ngayon. Hanggang sa nagalit din yung parents nung girl kaya lumipad na siya papuntang ibang bansa.

Walang nagawa si daddy kase hindi niya malabanan si lola.

IN the end, natuloy yung arranged marriage. And, halata naman kahit ngayon na NOT IN GOOD TERMS sila mom and dad. Tuwing umuuwe si dad dito eh nagagalit siya kay mommy. Kaya lang naman daw siya ganun eh ayaw niyang matulad sa daddy niyang hindi manlang pinigilan yung kasakiman sa pera ni lola.

Sigh. Parang kailan lang umayaw na ako samin ni Kath pero parang nabuhayan ulit ako nung sinabi sa akin ni daddy yung kwento na yun. He even told me na tutulungan niya ako kaya naman medyo lumakas yung fighting spirit ko.

Ilang weeks ko na ding hindi nakikita si Kath. Buti pa si Gino araw araw niyang nakikita si Kath. Yung bagong gising na Kath, umiiyak, tumatawa, kumakain, tapos mag-go-goodnight sila sa isa't isa.

UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now