CHAPTER FORTY-FIVE - In Another Life

261 32 2
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE - In Another Life

[A/N] PLS LANG PO WALA PONG MAGAGALIT SA MGA MANGYAYARE. JUST TRUST ME AND EVERYTHING WILL BE OKAY. EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON. REMEMBER THAT.

[[ KATH'S POV ]]

SHOOOOCKS! Na-late nanaman ako ng gising! Magkikita pa naman kami ngayon ni Daniel kase sabay na daw kaming pupunta ng agency para sa pictorial mamaya. Nakakainis naman!

Panong hindi ako maiinis kase siguradong kanina pa siya nag-aantay tapos baka kung sino sinong babae ang kumausap sa kanya! Bakit ba naman kase sa isang restaurant pa namin napag-usapan magkita?

Ayaw mo kasing malaman ng kuya mo kaya sa ibang lugar kayo nagkita! My brain told me.

Sigh. Bakit naman kase bawal pa kami ni Daniel sa isa't isa eh hindi naman kami mahirap? Pareho naman kaming may kaya sa buhay? Minsan, hindi ko maintindihan kung bakit andaming bawal? Bakit hindi na lang hayaan ang mga nagmamahalan sa mundo para wala ng war?

Kasabay ko sina Gino at Mika papunta sa agency dahil na-late nga ako ng gising. Nakisabay lang ako sa kanila at sinabi kay kuya na may gala kaming tatlo para bantayan niya muna ang bahay.

Habang nag-ddrive si Gino eh nasa tabi niya si Mika at ako naman mag-isa sa likod. Naalala ko tuloy nung freshmen party namin at magkatabi kami ni Daniel sa likod. It was the start of us liking each other.

Una ko pa lang siya makita crush ko na siya. Pero nung malaman ko na may pagka-mayabang siya na ewan, eh parang naging hate ko na din siya. Pero nakakatuwa siyang kasama. Hindi ko rin ineexpect na magkakagusto kami sa isa't isa.

"Saan kaya tayo ikakasal Gino?" narinig kong tanong ni Mika kay Gino.

"Tumigil ka nga. Hindi pa nga tayo, kasal na kagad iniisip mo." masungit na sabi ni Gino. Napangiti lang ako kase parang namimiss ko yung dating kami ni Daniel. Yung dating nagbabangayan.

"Panong magiging tayo eh ayaw mo naman ako sagutin!" bigla namang nagtampo si Mika tapos tahimik na lang sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa agency.

Pagbaba namin, nakita na namin sila Anna, Enrique at Daniel doon.

"Para silang love triangle." kumento ni Mika habang naglalakad kami papunta sa kanila. Umubo naman ako para mapansin niyang andito ako. "Ay joke lang yun Kath, eto naman!" sabi niya tapos biglang yumakap sa kamay ni Gino.

"Tatlo din tayo dito kung marunong kang magbilang." biglang nag-comment si Gino.

"Ano? Akin ka lang at walang love triangle sa atin noh!" biglang nagalit si Mika kaya natawa ako sa kanila.

"Medyo matagal ata kayo ah." kumento ni Enrique.

"Si Kath kase na-late ng gising." sagot ni Mika.

UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now