Forty -Summer Break Part Two

399 43 5
                                    

A/N: Katuloy po ito nung last chapter. Sana po magcomment kayo at vote. Inagahan ko na yung pag update kase baka di ako maka-watty this week. Hope you vote and comment. :)

...

Forty -Summer Break Part Two 

-Daniel's POV-

Tch. Ako na nga itong nagmamagandang loob kay Kath tapos siya pa itong may ganang sabihin yun sa akin? Tss. Pero alam ko kahit sinabi niya sakin yun, hindi niya tototohanin yun. Siguro sinabi lang niya yun para hindi na ako lumapit pa sa kanya at baka bumalik ang feelings niya. Tch. Suot parin naman niya hanggang ngayon yung shirt ko eh. -___-

"Hoy Daniel. Hanggang kailan mo balak panuorin na lang si Gino at si Kath na magkasama ahh?" biglang bulong sakin ni Mika.

Nagsswimming na kase kami ngayon. Pero ako, nanunuod lang sa kanila at nagrerelax ako sa may upuan  sa tabi at umiinom ng juice.

"Hanggang sa magsawa ako." sabi ko.

"Alam mo, para kang ewan. Sa ginagawa mong yan, di matutuloy yung plan natin."

"Wala tayong plano. Kung meron man, ikaw lang ang may gusto nun. At ayaw kong gawin yung sinasabi mong plano." sabi ko.

Kung gusto ninyong malaman yung plano na sinasabi namin eh magbasa basa na lang kayo. :)))

"Bahala ka." sabi niya tapos umalis na din siya.

"Tch." sabi ko habang tumingin ulit kina Kath at Gino sabay sip sa juice ko.

Bigla namang may nakatayo sa tabi ko dun sa beach chair na inuupuan ko or I should say hinihigaan.

Napatingin ako sa kanya.

O/////O Si Anna. And naka-two piece din siya. Ohh grabe.

"Hoy Daniel." biglang sabi niya.

"Ano?"

"May feelings ka pa rin kay Kath until now, am I right?" tanong niya.

Tumingin na lang ako kay Kath habang naglalaro sila ni Gino ng softball sa pool.

"Sigh. Mga lalaki nga naman. Kahit hindi mo sabihin, alam kong gustong gusto mo parin siya."

"Ano naman ngayon?"

"Why don't you make a move now? Malay mo maunahan ka pa ni Gino at magsisi ka."

"Actually nangyare na yung iniisip mo. Naagaw na si Kath sakin. And...sobrang nagsisisi ako." sabi ko sabay sip nanaman sa juice ko na naubos ko na.

"Tch. Isipin mo na lang na gusto mo pa ng juice. Pero sa tingin mo ba makakakuha ka ng juice kung nakatunganga ka jan? Kailangan mong tumayo para ikaw mismo ang mag-pour ng juice jan di ba? Isipin mo na lang na walang waiter dito." Anna

"Huh? Masarap yung juice niyo." sabi ko.

She laughed. "HAHA alam ko. Si Enrique ata nagtimpla niyan."

"ANO?!  Yukk!! Di pala masarap. Kadiri yung lasa swear." sabi ko.

She laughed again.

"Ewan ko sayo Daniel. Basta ang sinasabi ko lang eh kailangan mong gumawa ng paraan para makuha mo yung juice mo na si Kath. Sige, iwan na kita jan." sabi niya sabay umalis na siya.

Bigla namang may dumating na waiter at nagpalagay nako ng juice.

And I took another sip.

"Sigh. Kung meron lang waiter na pwedeng mautusan para makuha kagad kitang juice ka." sabi ko.

UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now