Thirty-Four -New Beginning

526 41 4
                                    

Thirty-Four -New Beginning

-Kath's POV-

Di nagtagal at natapos na din yung exam week na yun. Kahit ayaw kong pumasok eh kailangan kase baka makick out ako.

Buti na lang at hinatid ako ni Gino.

Pagkababa niya sa kotse, binigyan niya ako ng baon ko tapos may nakakita saming mga babae.

"Uy diba siya yung MVP sa kabilang school?!"

"Ohhsheeeet. Si Gino yan!!! Gwapoo!!!"

"Waah. Oo nga!!"

Psh. Mga echusera.

"Sige pumasok ka na baka ma-late ka pa. Bye."

"Sige. Salamat Gino." sabi ko.

At umalis na din siya. Himalang may kotse na si Gino noh?! Haha. Kay Aya yun pinahiram muna sa kanya tutal marami namang kotse sila.

At pumasok na nga ako sa school.

Sigh. Mukhang bagong school na to ah?! Or talagang matagal lang akong di nakapasok?!

"Kaaaaath!!!!"

Napatingin naman ako dun sa may sumigaw hanggang sa biglang niyakap niya ako.

"Huh?!" ako

Di ko kase siya namukhaan.

Hanggang sa kumalas siya sa pagkakayakap saken.

"Bea?!?!" ako

"Grabe di mo nako nakilala? Porket ba bago uniform naten?!" Bea

"Eh..Di lang ata ako sanay sorry."

"Ahh yaan mo na. Pero alam mo ba kung sino yung top4?! Well ako, ikaw, si Jake pati si Daniel!!!!" Bea

Daniel.

"Ahh ganun ba? Pero bakit daw may ganitong changes pa?!" ako

"Kase yung mga students daw sa school natin eh di na nag-aaral ng mabuti. Kaya tayong special Top students eh may special treatment simula ngayon." Bea

"Talaga?!" ako

"Oo. Kaya lang...combined tayo sa top4 ng building B dati. Actually iisang building na lang ang school naten kaya magiging classmates na natin sina Anna at Enrique."

Eh?!?!?!

"At alam kong miss na miss mo na si Daniel kaya naman dalian mo at pumunta na tayo sa classrooom!!!" sabi niya tapos hinila na niya ako.

CLASSROOM

Sheet. Eto na. Wait. NO. GALIT KA KAY DANIEL, Kath. GALIT KAAAA!!!!

At yun na nga.

Pagkabukas na pagkabukas nung pinto I saw him standing right in front of me.

Sheeet. Bat ang gwapo parin niya?! Ganito pag nag-break diba? Gumagwapo yung lalaki at gumaganda yung babae. Pero bat ako STRESSED?!?!

"Kath." he said na para bang nagulat.

Unti unti siyang lumalapit saken.

TUG DUG

Ayan na. Tama nga si Gino. Bumabalik lahat ng feelings ko ngayong nakita ko ulit siya.

Tapos NIYAKAP NIYA PA AKO!!!! >////<

UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now