Chapter 33: Starting Point

922 32 1
                                    

EDITED VERSION

************


The door opened. Welcoming me like a princess walking on the aisle. A smile curved on my lips. Finally, it's happening.

Nakatingin sa akin ang mga tao habang naglalakad ako. They were happy. I looked at the end of the aisle. Isaac's standing there. Looking at me straight in the eyes.

Sobrang daming tao, pero parang ako lang ang nakikita niya. Dahan-dahan akong naglakad sa aisle hanggang sa marating ko na ang dulo.

"Here she comes," says Lydia. Nilingon ko siya at ngumiti. Hindi ako makapaniwala. The wedding is happening.

The wedding of Cath and Kurt. After everything they've been through, this is their end point. Ang kasal. Ang pag-iisa.

"Naunahan ka pa niya," sabi ni Lydia na ikinatawa ko. Isaac is the best man, kaya nasa tabi siya ni Kurt.

Napalingon kami kay Cath. Wearing a white gown with embroidery of flowers. She's stunningly beautiful. Hindi ako makapaniwala.

A tear glide down from my eye. Parang kailan lang, we were just teenagers running along the hallway, carelessly laughing. Pero ngayon, napakabilis talaga ng panahon.

If there's something that I've learned throughout my journey, siguro 'yon ay ang pagpapatawad.

I've spent my whole life holding grudges of the people that made mistakes in my life. Napakaraming panahon ang sinayang ko dahil hindi ako nagpatawad.

Siguro kung pinatawad ko si Papa, baka sakaling nag-iba ang kinahantungan ng lahat. Siguro kung pinatawad ko si Isaac sa mga nagawa niya, baka... baka masaya pa rin kami hanggang ngayon.

Siguro din kung pinatawad kami ni Rhian, baka sakaling hindi siya namatay. She held too much anger towards us. She became a monster. Pero pinatawad ko na siya. Pinatawad ko na si Papa. Ganoon din si Isaac.

Forgiveness takes time. But it's worth it. Kapag nagpatawad ka kasi, hindi 'yon para sa mga taong may nagawa sa 'yong pagkakamali. Para 'yon sa 'yo. Para wala ka nang dalhing mabigat sa puso mo na araw-araw mong binubuhat.

Kurt cried as well as Cath when they told each other their vows. Nagsipalakpakan kami nang sinuot nila ang singsing sa isa't isa.

"You may now kiss the bride," said Mr. Scott. Then they kissed each other.

They all went toward the dining hall kung saan gaganapin ang reception. But I didn't go there. Dumiretso ako sa rooftop ng Academy with a glass of wine on my hand.

Damang-dama ko ang hangin dahil sa suot kong tube cocktail dress. Hinahangin din ang buhok kong nakalugay.

Nakatanaw lamang ako sa malayo. Inaalala kung paano ako nagsimula rito. Amazing, isn't it? How a event can alter ones life. Sino nga ba ang mag-aakalang magkakaroon ako ng malaking papel sa mundong ito?

I've come so far now, Papa. I wiped away my tears. "I wish you were here."

"He's here." Natigilan ako sa boses na narinig ko. Lumingon ako. There I saw him wearing a dark blue coat and a tie. Napakaguwapo niya talaga kapag naka-formal attire. I smiled at him.

"He's here. In your heart," he said. Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko naluluha nanaman ako.

"I have something for you." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mula sa likod niya ay inilabas niya ang isang envelope. Naglakad pa siya palapit sa akin at inabot niya 'yon.

"What's this?" nagtataka kong tanong.

"Open it," sabi niya na agad ko namang ginawa. When I opened it, nanlaki ang mata ko. Still processing if I've read it right.

"A school, and what's this? I'm the Leader?" nagtataka kong tanong. He smiled and nodded. Naglakad siya palapit sa akin at tumanaw din sa malayo. "But this is far from here," I said.

"I know. Bago namin planuhin ni Kurt ang lahat ng ito, inisip ko kung paano kapag nandoon ka na? But now, I'm okay with it." He looked at me. "Kaunting panahon na lang, Althea. Will you wait for me?"

Mapait akong napangiti. "Panahon naman para ako ang maghintay sa 'yo, Isaac." Noon, hinintay niya ako. Anim na taon. Anim na taon akong nawala sa tabi niya pero hinintay niya ako. Panahon naman para ako ang maghintay sa lalaking bumuo ng buhay ko.

He held my cheek using his hand and he said, "I'd give up everything just to have you. And I just want to let you know that you'll always be in my heart. Walang ibang nagmamay-ari sa akin kung hindi ikaw lang."

"I know and I'm sorry." My voice cracked. "Kailangan nanaman nating magkahiwalay para maghilom ang mga sugat." He wiped away my tears like he usually do. Tinanggal ko ang necklace na isinuot niya sa akin noon at tinanggal ang pendant nitong singsing para sa kasal namin. "And I'll wear this to be a constant reminder that you are my greatest love, and my greatest adventure."

I wore it in my left hand where my ring finger is, then I turned my gaze on his face. His green eyes flickered.

"Wala ako roon, Althea. Hindi kita mapupuntahan. Hindi natin makikita ang isa't isa. Magagawa mo ba akong hintayin--" I cut him off by pressing my lips on his. My tears kept on falling as he penetrate my lips. He deepened the kiss as he held my waist, tightly.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay mapait akong ngumiti. "I will. Maghihintay ako. Hihintayin ko ang pagdating mo."

He smiled, ipinagdikit niya ang mga noo namin pagkatapos ay pumikit siya. "One, two, or even another six years. I'll wait. Makuha at mahawakan lang ulit kita, Althea."

Ilang taon pa bago niya puwedeng bitawan ang posisyon niya bilang Leader ng Magical University. Matagal, oo. Maghihintay ako sa walang kasiguraduhan, oo. Pero magtitiwala ako sa kaniya. Kasi alam kong mahal niya ako. At mahal na mahal ko rin siya.

If someone would ask me of what I want to have in this world, I'll tell his name. I want him. No, it's more than want. I need him. I love him so much and he made me believe that sometimes, home can be a person. And he's my home. My Isaac Villanueva.

Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya. Hindi niya ako hinabol, pero alam kong hihintayin namin ang isa't isa.

"See you, Isaac." I walked away, leaving him there.

This is not a goodbye for us. Rather this will be the starting point of another adventure for the both of us. Isaac, I'll wait.



************







Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now