Chapter 31: Happiness

637 32 0
                                    

N O T E:

Please play the song on the media while reading this chapter. Enjoy reading!

Song title:
Lovely by Billie Eilish ft. Khalid

EDITED VERSION

*************

An hour before...

Habang nakagapos ang mga kamay ko sa kuwarto na 'yon kasama si Papa, naisip ko ang lahat nang nangyari sa buhay ko for the past years.

How the hardest thing to do is forget all the pain just to be okay.

I blamed my real parents. Sinisi ko sila buong buhay ko for leaving me. I was just a baby. Paano nila nakayanang iwanan ako nang mag-isa?

I grew up telling myself that no one will ever love me. Lumaki akong galit sa mundo at sa mga tao.

Especially when people started to be scared of me because I look like a wicked witch. Dahil sa mundo, batayan nila ang pisikal na anyo ng mga tao.

I grew up believing that I'm a monster. Kapag napalapit ako sa mga tao, baka ikamatay nila. Kaya kahit masakit, I had to push people away.

I had to face my battles alone.

Kaya nang dumating ang grupo ni Isaac sa buhay ko, kinailangan ko ng matinding adjustment. Masisisi ba nila ako? I grew up fighting alone. So, I didn't need anyone to fight with me.

Hanggang ngayon, kapag naaalala ko ang mga nangyari noon, patuloy kong sinasabi sa sarili ko na ang tapang ko. But I can't do this without Lydia, Kurt, Kristian, Cath, and Isaac. I can't do this without my family, and they're my family.

"Anak, believe me, hinanap kita." Napalingon ako kay Papa nang sabihin niya 'yon. "Nang magbago ako, hinanap ko kayo ni Rhian. I wanted to give you a better life. Pero masyado na akong mahina kaya't hindi ako makalaban kay Rhian."

I smiled. Melancholically. "Papa, naniniwala ako sa 'yo."

"Patawad at wala akong magawa para makatakas tayo rito," sabi niya sa akin.

"Huwag kang mag-alala, Papa. Hahanapin tayo ni Isaac. Tutulungan niya tayo," I assured him.

He smiled at me. "You're inlove with him, aren't you?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Bagkus umiwas ako ng tingin. "My baby girl is a grown up now. Mukhang may mahahatid na ako sa altar."

I smiled, genuinely. "Pagkatapos nang lahat ng ito, Papa. Mamuhay na tayo nang magkasama at masaya."

But I guess life won't allow us to be happy. Dahil may mawawala nanaman sa buhay ko...

Present...

"I-Isaac!" Nakayakap pa rin sa akin si Isaac habang patuloy sa pag-agos ang dugo sa kanang braso niya.

"Hush, Love. Don't worry about me." Hindi niya inaalis ang pagkakayakap niya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang mabilis na paggalaw ng kaniyang katawan na yakap-yakap ako.

Next thing I knew, nasa labas na kami ng abandunadong gusali na 'yon. Nilapag ako ni Isaac sa damuhan. "H-Hintayin mo ako rito. T-Tatapusin ko ang lahat nang ito."

Hindi na ako nakatapos pa nang maglakad siya palayo sa akin. Ika-ika at patuloy sa pagdugo ang braso. Tumayo ako mula sa pinagkakaupuan ko at tatakbo sana papasok sa loob pero nagkaroon ng isang malaking transparent barrier na paniguradong si Isaac ang gumawa.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now