Chapter 15: Stay Away

518 31 0
                                    

EDITED VERSION

**************

Althea's POV

"Althea!" boses ni Lydia ang bumungad sa akin pagmulat ng mata ko. Hindi pa rin ako makakita nang maayos, kaya ilang beses akong kumurap. "Althea, gising ka na nga!" Lydia hugged me.

"Thank God you're fine now," mula sa malayo ay sinabi 'yon ni Kurt. Napatingin ako sa paligid. White ceiling and wall, I'm inside a clinic. May nakakabit sa aking medical apparatus. Sinubukan kong umupo pero inawat nila ako.

"Magpahinga ka muna, Althea," singhal sa akin ni Cath. Napangiti ako dahil nandito silang lahat. Well, except for Isaac.

"Alam ba ni Isaac?" tanong ko pero nagkatinginan lang sila.

"Oo, pero nang tumawag kami ay nasa meeting siya. Sabi niya pupunta raw siya--" hindi ko na pinatapos pa si Kurt.

"No, tell him to just stay there. Ayaw kong makagulo sa kaniya." Umiwas ako ng tingin dahil alam kong nangingilid na ang luha sa mga mata ko. I was expecting to wake up and see him but I guess that won't happen. We're not like before anymore, and I should accept that truth.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor. "Mabuti naman at gising ka na, Althea. Maraming nawalang dugo sa 'yo kaya kailangan mo pang magpahinga ng isang buong araw bago ka ma-discharge," paliwanag nito. I said thank you then he left.

"Paano niyo ako nahanap?" tanong ko. Naalala ko kasi na nasa loob ako ng dorm nang mangyari ang lahat, at mataas ang tyansa na hindi talaga nila ako mahanap. Kung sakali mang ganoon ay malamang na patay na dapat ako ngayon.

"Dahil kay Kasper. Napadaan siya sa kuwarto mo at nakita niyang bukas ang pinto mo, and he saw you laying down on the floor, bleeding to death. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa kaniya," ani Lydia.

Hindi ako makapaniwalang si Kasper nanaman ang nakasagip sa akin. Napakarami na niyang nagawa para sa akin, samantalang ako ay wala pa. Puro problema pa ang dinadala ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga ako at umupo kahit medyo kumikirot pa ang ulo ko, nakapulupot ng bandage ang kanang braso ko kung saan nakalagay ang sugat at marka na ginawa sa akin.

"Althea, nilagyan ka ng marka..." halos pabulong na sabi ni Cath. A tear fell down from my eye.

"Ito ang gusto niya. Ang maging masama ako at sumapi sa kanila. Pero hindi ko kaya, I want to stay here." Nilapitan nila ako at mahigpit akong niyakap.

"Hindi ka masama, Althea. Alam namin 'yon. Kahit kailan ay hindi ka magiging katulad ni Elijah." Napangiti ako sa sinabi ni Kurt. Naniniwala sila sa akin and I'm happy to have them.

"Thank you for believing in me," sabi ko. Sila, si Kasper, at si Isaac na lang ang mayroon ako. Hindi ko kakayanin kung isa pa sa kanila ang mawala.

"May isang tao ka pang dapat pasalamatan." Pagtapos sabihin 'yon ni Kristian ay bumukas ang pinto at pumasok si Kasper. His hair was messy, but he's still so handsome. Pero malalim ang ilalim ng mata nito, tila walang tulog.

"Binantayan ka ni Kasper buong gabi, at nahuli niya ang gumawa sa 'yo nito." Hindi ko maiwasang matigilan. He did that for me?

"Hey," Lumapit siya sa akin at kumaway. The way his eyes looked at me, I feel terribly guilty. Kakaprotekta niya sa akin, napapabayaan na niya ang sarili niya.

"Aalis muna kami," said Lydia. Then they left. Naiwan kami ni Kasper doon. Umupo siya sa upuan na katabi ng hospital bed na hinihigaan ko.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala niyang tanong. Tumango ako at nginitian ko siya.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now