Chapter 17: Her Realization

555 35 0
                                    

EDITED VERSION

*************

Isaac's POV


"Five hours na lang, magsisimula na ang ball. Are you ready?" Gianna asked me. Napabuntong hininga ako. Am I? Knowing that Althea isn't coming makes me want to see her more. Pero tama ang desisyon kong huwag na siyang papuntahin lalo pa't nasa panganib ang buhay niya ngayon.

I just wish I could be with her all the time just like before.

Tiningnan ko ang buong Hall kung saan magaganap ang Grand Magical Ball. Maayos na ang lahat. Mayroon ng mga table na nakakalat sa buong hall, may mga upuan na rin, at red carpet. Mayroon ding mga kanta na patutugtugin para sa mga estudyanteng gustong sumayaw.

Napangiti ako nang maalala ang Enchanted Ball noon. Noong mga bata pa kami nila Althea. I wish she's here. Pero alam kong mas mapoprotektahan siya ro'n kaysa rito. I fished my phone on my purse, pero wala. Kaya nilingon ko si Gianna.

"Gianna, where's my phone?" nagtataka kong tanong. Saglit siyang natigilan sa tanong ko na agad ko namang ipinagtaka.

"K-Kailangan mo ng phone? Marami pa tayong gagawin, 'di ba--" I cut her off.

"I need to talk to my wife, Gianna. Now, where's my phone?" Inilahad ko ang kamay ko. Bumuntong-hininga siya at inilagay ang cellphone sa kamay ko. I was about to dial Althea's number when I noticed Kurt and Althea's number on the missed call lists. Kaya tiningnan ko si Gianna. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso.

"Tumatawag sila, pero bakit hindi mo sinagot o ibinigay man lang sa akin?" tanong ko. I gave her my phone earlier because she said she'll call her Mom. Pero pagkatapos n'on ay hindi na niya ulit ibinalik sa akin. Hindi ko naman napansin dahil naging busy rin ako.

"Hindi ko namalayan. Nasa bulsa ko kasi. Tapos naka-silent pa." Umalis siya bigla kaya tinawagan ko agad si Althea pero hindi niya sinasagot, kaya si Kurt na ang tinawagan ko. Ilang ring lang ay sinagot niya na agad.

"Hey, man. Why did you ca--" I was cut off when he gasped on the other line.

"Isaac, si Althea. May nangyaring masama sa kaniya." Nailayo ko sa tainga ko ang cellphone. At dahil na rin sa labis na gulat ay nalaglag ko 'yon. Shit.

*************

Althea's POV


Pumitas ako ng mga nakita kong halamang gamot sa gubat at inilagay 'yon sa sugat ni Kasper. Wala pa rin siyang malay. He's pale. Marami ng dugong nawala sa kaniya. Nanginginig ang kamay ko habang pilit tinatapalan ang kaniyang sugat.

Natatakot akong baka mapaano siya nang dahil sa akin. If only I stayed on the Academy, this won't happen. Kasalanan ko na lang lagi kung bakit siya napapahamak.

I dialed Isaac's number, pero walang sumasagot. Kaya si Kurt na ang naisipan kong tawagan. It took me a lot of calls before he answered, dahil sobrang hina ng signal at two percent na lang ang battery ng phone ko.

"Kurt..." Tumulo ang luha galing sa mga mata ko. "Kurt, tulungan mo kami. Ang Ama ko, nagpadala siya ulit ng mga tauhan para kuhanin ako. But Kasper helped me. Pero...pero, Kurt. Nasaksak siya."

"Ano?! Shit! Dapat hindi ko kayo hinayaang umalis!" sigaw niya mula sa kabilang linya. "Nasaan kayo? Pupuntahan namin kayo kaagad!"

Napahikbi ako. "H-Hindi ko alam. Gubat. Hindi ko na alam, Kurt. Parang awa mo na, hanapin mo kami." Tuluyan nang namatay ang cellphone ko at napamura ako sa frustration. Nilingon ko si Kasper na nakahiga sa lupa. Wala pa ring patid sa pag-agos ang dugo galing sa sugat ko pero hindi ko na 'yon pinansin. Mas kailangan ako ngayon ni Kasper.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now