Chapter 5: Dangerous

650 39 1
                                    

EDITED VERSION

*********

Althea's POV


"Ala una ng madaling araw? Seriously, Althea?!" Bungad niya sa akin. Sinabayan ko ang masama niyang tingin. Bakit ganiyan ang tono niya?

"Puwede ba, Isaac?! Pagod ako!" sigaw ko. Pabagsak akong humiga sa kama at tinalikuran siya. Ang gusto ko lang ay matapos na ang araw na 'to. I'm not in the mood to fight over something nonsense. Pero mukhang wala siyang balak na tantanan ako.

"At saan ka naman napagod? O baka naman mas tamang tanungin kung kanino ka napagod?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatayo ako sa galit.

"What did you just say?!" Nilapitan ko siya at mariin siyang tiningnan. He sounded like it was my fault. Damn it.

"Eighteen hours without sleep, I ditched my breakfast, lunch and now dinner because you're not answering your phone! Pumunta ako rito dahil nag-aalala ako nang sobra sa 'yo! Tapos ito pa ang aabutan ko?! Ala una ng madaling araw, kasama mo ang lalaking 'yon!" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Wala siyang tiwala sa akin at parang pinagbibintangan niya pa ako.

"And now you're dragging Kasper on this fight?! Ikaw ang mali, Isaac! You promised me you'll come here! But you didn't! At ngayon naman, pati ang taong wala namang kasalanan, dinamay mo!" hindi ko maiwasang magalit. I can't believe he's being like this.

"I was busy, Althea! Sana naman inintindi mo 'yon--" Hindi ko na siya pinatapos pa.

"Edi sana tumawag ka! O nagtext man lang kasi maiintindihan kita! Ganoon naman lagi, 'di ba? Kapag hindi ka makakapunta, ite-text mo ako? Pero hindi mo ginawa! You know how much I hate people who break their promises!" At tumulo na ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung pagod lang ba ako kaya ako naiiyak, o dahil nandito siya at nag-aaway kami imbis na sinusulit namin ang oras. I can't believe this. Pinuntahan niya ako para awayin? Hahawakan niya sana ako pero lumayo ako. "Just please, leave." I wiped away my tears. Bumibigat na ang talukap ng mata ko sa antok at sa pagod. Hindi ko na kayang makipag-usap pa sa kaniya.

"I don't want to," pagmamatigas niya. "Mag-usap muna tayo, Althea." Muli siyang humakbang palapit sa akin pero pinahinto ko siya.

"I just want you to leave. Hayaan mo muna akong pakalmahin ang isip ko, bago tayo mag-usap." Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. I motioned him to leave. Alam kong baka ngayon ko na lang siya ulit makikita pero pagod ako at alam kong pareho kaming hindi magpapatalo kapag itinuloy pa namin ang argumentong 'to. "Please..."

Wala siyang nagawa kun'di lumabas. Pero bago siya lumabas ay hinalikan niya ang noo ko. Nang makalabas siya ay agad kong sinara ang pinto.

Damn it. Kahit pinaalis ko siya, gusto ko siyang habulin. Gusto ko ring pigilan niya akong paalisin ko siya. Nasisiraan na yata talaga ako.

--------------

Kinabukasan, nagising ako na maga ang mata. Bakit ko ba kasi pinaalis si Isaac? I waited for him, pero sinayang ko lang ang pagpunta niya. Dapat pala ay hindi ko siya inaway. Ngayon, pinagsisisihan ko ang mga sinabi ko kagabi.

Naligo at naghanda na ako para i-train ang Dauntless. Marami kaming gagawin ngayon, at sigurado akong magiging busy kami. I looked at myself on the full-length mirror, plain white crop top, and a leather pants with my black stilleto boots. Nang makuntento na ako sa suot ko ay lumabas na ako ng dorm at halos mapatalon ako sa gulat.

"Shit, Isaac, what the hell are you doing there?!" sigaw ko na nagpagising sa kaniya. Nakaupo siya sa tabi ng pinto ng dorm ko at naka-lean sa pader habang natutulog. Wait. "Are you there since last night?" nag-aalala kong tanong.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now