Chapter 23: True Love

560 31 5
                                    

EDITED VERSION

***********

Isaac's POV

Fascinating. Dauntless. That's how I describe Althea. Walang katulad. Noon, iniisip ko na hindi totoo ang true love. My father told me it is. And Rhian came, so I believed. But then she died. Kaya mas lalo ko lang naisip na hindi totoo 'yon.

Then years after, Althea came out of nowhere. Nakalulunod na emosyon ang dumanak sa buong pagkatao ko. Parang isang malalim na dagat, I'm drowning. Pero kahit ganoon, ayaw kong umahon. Gusto kong lumangoy nang lumangoy.

Althea Genovie-Saavedra is different. She's unique in every angle. Her cold personality, her beautiful green and yellow eyes, her angelic face, her care for everyone, lahat ng 'yan minahal ko. I love her more than anything in this world.

Nakatingin ako sa malaking screen na nasa harap naming lahat. Watching Althea as she fights inside the illusion, ganoon pa rin siya. Kung paano siya nakipaglaban noon sa Arena. Damn it. I'm really in love with her.

"You two broke up already, right?" Natigilan ako dahil sa biglaang pagtanong ni Gianna na katabi ko na pala.

"So?" Hindi ko siya binabalingan ng tingin kahit pa halos malusaw na ako sa mga tingin niya. Seriously, this girl is pissing me off so much. Kung puwede lang ay sinapak ko na sa mukha 'to. She's so clingy and irritating. Napakalayo nila ni Althea.

"So, find someone suitable for you." Then, she chuckled. Sinamaan ko siya ng tingin. Is that even an option? Hindi niya ba alam ang code namin nina dad na namana pa niya kay Grandpa?

My Dad, Genesis. Taught me their code. He told me that, "When a Villanueva fell in love, they don't share. They only want one." At tama naman ang code na 'yon. Me and my dad, and also grandpa is a one-woman-man.

"Why would I want someone else besides Althea?" tanong ko. Inirapan naman niya ako at pabagsak na sumandal sa kinauupuan niya.

Bumalik ang tingin ko sa full screen t.v. nang mawalan ng malay si Althea. Hindi ko maiwasang mapamura. Nilingon ko pa ang ibang screen kung saan makikita ang ibang kagrupo ni Althea. Si Heaven lang ang kasama niya. At si Kasper ang pinakamalapit sa kanilang dalawa. Pero mali ang nilalakaran nitong daan. Imbes na palapit ay tinatahak niya ang palayong daan.

"Come on, Kasper. Althea needs you now," bulong ko sa sarili ko.

---------------

Althea's POV


Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagmulat ko ay nakahiga si Heaven sa tabi ko. Tulog. Napagod din siguro siya.

Agad akong napahawak sa ulo ko nang kumirot 'yon. I sat then looked around. Nasa isang malawak pa rin kaming open field. Tinignan ko ang score ko. 150. Marami-rami na pala ang nadagdag sa points ko.

Muli kong nilingon si Heaven at tinapik siya. She opened her eyes at nang makita niya ako ay napaupo siya at mahigpit akong niyakap.

"Miss Althea, akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. She reminds me of Cath. She's this clingy back then, until now.

"Thanks to you, nothing happened to me." I smiled. Mayamaya ay tumayo ako at tinanaw ang tinutumbok ng open field pero wala akong makita. If we're done on the second obstacle, dapat ay nalipat na kami sa ibang lugar. Pero bakit nandito pa rin kami?

"Miss Althea." Napalingon ako kay Heaven. Naglalaho siya na mas lalong ipinagtaka ko.

"H-Heaven, anong nangyayari sa 'yo--" Natigilan ako nang naglalaho rin ako at halos mapasigaw ako nang muli nanaman akong malaglag sa isang malaking man hole. Then I opened my eyes, a falls was the first thing I saw. Para kaming nalilipat sa iba't ibang dimension.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now