Chapter 29: No Way Out

527 30 2
                                    

EDITED VERSION

***********


Madilim. Nakakasulasok na amoy. Ito ang bumungad sa akin sa silid na kinaroroonan ko ngayon. Hindi ko alam kung saan 'to pero nakasisiguro akong hindi ito sa Academy.

Kumikirot ang ulo ko. Parang paulit-ulit hinampas ng matigas na bagay. Ganoon din ang leeg ko kung saan sinaksak ng syringe kanina.

Sinubukan kong gumalaw, pero nakatali ang mga kamay ko sa isang poste na nasa likod ko. Pati na rin ang aking paa na nakadiretso sa sahig.

Mabuti na lang ay walang takip ang bibig ko. Lumingon ako sa paligid. Sinusubukang alamin kung nasaan ako. Pero napatigil ako nang may magsalita hindi kalayuan sa akin.

"Huwag mo nang subukang tumakas. Matagal ko nang ginawa. Wala namang nangyari," sabi nito. Lalaki. Base sa boses niya ay mayroon na siyang edad.

Napalunok ako. "N-Nasaan po tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam. Basta't alam ko lang, tinuturing tayo ni Rhian bilang isang hayop na dapat pinapatay at inaalis sa landas niya," makahulugan nitong sabi.

Matagal na ba siyang nakakulong dito kaya niya 'yan sinasabi? Pero bakit? Anong atraso niya kay Rhian?

Magtatanong pa sana ako nang may pumalakpak sa gawing kaliwang bahagi ng kuwarto. Bumukas ang ilaw at napangiwi ako dahil masakit 'yon sa mata. Nang maging klaro na ang paningin ko ay napatingin ako sa pumasok sa silid. Si Rhian.

Nakangiti siya at humalakhak. "I see, mukhang magkasundo na kayo, a."

"Rhian, bakit mo sa akin 'to ginagawa?! I gave you what you want! I let you to have Isaac! Ano ba kasing nagawa ko sa 'yo--"

"Manahimik ka!" sigaw niya sa akin. Kung tingnan niya ako ay parang kinamumuhian niya ako. "Anong sinabi mo?! Binigay mo na sa akin si Isaac?! Well, damn you! Dahil kahit anong pilit ko, ikaw na ang mahal niya! Bakit ka ba kasi dumating sa landas namin?! Bakit kasi inagaw mo ang buhay na dapat sa akin?!"

"Wala akong inagaw sa 'yo, Rian!" sigaw ko pabalik sa kaniya. "Hindi totoo ang mga sinasabi mo!"

"Hindi totoo? Puwes tanong mo 'yan sa kaniya!" Napalingon ako sa tinuro niya. Ang lalaking nakatali rin sa poste katulad ko. Kung kanina hindi ko siya nakikita, ngayon ay malinaw ko na siyang nakikita, at halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang kaniyang mukha.

Elijah Saavedra. My father. Puro sugat siya sa mukha, sira ang kaniyang suot na damit, nakagapos ang kaniyang mga kamay at hinang-hina. B-Bakit ganito? Ano'ng nangyayari?

"P-Papa?" I asked. Nilingon niya ako at halos manlumo ako nang makitang tumulo ang luha galing sa kaniyang mata. At gaya niya, pati ako ay naiyak. Lahat nang luhang kanina ko pa pinipigilan ay umagos na.

"P-Papa, ikaw nga..." Para akong pinagbagsakan ng langit at ng lupa. Bakit nakatali rin siya? Akala ko ba siya ang masama? Anong nangyayari?

"Althea, anak..." Sinusubukan niyang kalasin ang nakagapos sa kaniya pero masyado siyang nanghihina para magawa 'yon.

"Ang dami ninyong alam! Ang dadrama ninyo!" sigaw ni Rhian. "'Yan, tanong mo sa magaling mong Tatay! Dapat nga maging masaya ka pa sa ginawa ko sa kaniya, Althea! Tinalikuran niya tayo bilang anak niya!"

"Huwag mo akong igaya sa 'yo, Rhian. Wala kang puso--" Malakas niya akong sinampal.

"Oo! Wala akong puso! Dahil kasalanan ninyo 'tong lahat! Kayo ang may kasalanan kung bakit ganito ako ngayon!" Sa sobrang galit niya ay umuuga na ang kinaroroonan naming silid. "Tinalikuran ako ng sarili kong ama, hinayaan ko lang! Tinanggap ko kahit ang sakit-sakit! Ang bata pa natin, Althea! Bakit niya 'yon nagawa?! Dahil ba hindi tayo pasok sa plano niya?! Ganoon ba 'yon, huh?!" Nilapitan niya si Elijah at malakas na sinuntok sa mukha. "Ang kapal ng mukha mo!"

Puno ng galit, puot at hinanakit si Rhian. Habang pinagmamasdan ko siya, awa at galit ang nararamdaman ko. Awa dahil sa mga nangyari sa kaniya. Galit dahil napuno na siya nang paghihiganti.

"Alam mo ba 'tong magaling mong tatay, Althea?! For the second time around, tinalikuran nanaman niya ako!" sigaw ni Rhian. "Ako ang unang nakahanap sa kaniya. Pinalaki namin ang nasasakupan namin. Akala ko kakampi na siya sa akin at tutulungan niya akong maghiganti. Pero tangina nga naman! Nagbago na raw siya! How can someone change?! Walang nagbabago! Lahat ng tao, kung ano sila, ganoon na sila hanggang huli! Kaya paanong ang prinsipe ng kasamaan, ay magbabago?! Isang malaking kasinungalingan!"

"Kaya para makaganti? Tinraydor ko siya! Dahil doon naman ako magaling, e! Bago niyo pa ako maunahan, gagawin ko na ang lahat! Kaya 'yan, magkasama na kayo ngayon!" Humalakhak siya.

"Nahihibang ka na," sabi ko pero parang wala lang 'yon sa kaniya.

"Ikaw? What makes you think na nagbago na talaga si Isaac at ang iba pa?! They lied to you! Ginamit ka na nila noon! Anong dahilan, Althea?! Bakit mo iniisip na nagbago na talaga sila?" nagtataka niyang tanong.

"Dahil naramdaman ko 'yon. Kasi, Rhian, tinanggal ko 'yong galit sa puso ko. At sana ganoon ka rin--"

"Bullshit!" Naglabas siya ng dagger mula sa likod niya. "Kung hindi naman dahil magkamukha tayo, hindi ka nila mamahalin. Dahil sa akin, kaya ka nila tinanggap. Kaya mang-aagaw ka! Inagaw mo ang dapat na sa akin!"

Akala niya masasaktan pa niya ako nang mga bagay na 'yan? Pero mali siya. I smirked. "Maawa ka sa sarili mo, Rhian. You look desperate."

Bumakas ang gulat at galit sa kaniyang mukha. Naglakad siya palapit sa akin. Tumutunog pa ang suot niyang boots. "You, bitch."

Napasigaw ako sa sakit nang binaon niya ang dagger sa hita ko. Pakiramdam ko tumagos 'yon hanggang ilalim.

"Rhian! Stop this!" sigaw ni Elijah. Pero parang wala siyang pakialam. "Utang na loob, huwag ang kapatid mo! Ako na lang!"

Humalakhak si Rian na parang isang demonyo. Tumayo siya. "Anong sabi mo?! Pagkatapos mo kaming abandunahin, magsasalita ka ngayon na para kang isang tunay na tatay?! At ano?! Itong paborito mo nanamang anak ang ipagtatanggol mo?!"

"Ganiyan naman kayong lahat, e!" sigaw niya na nangibabaw sa buong silid. Kahit napapaiyak na ako sa sakit na epekto ng dagger na nakabaon sa hita ko, hindi ko maiwasang matigilan. Umiiyak din si Rhian. "Lahat kayo, si Althea ang gusto. Ni wala na ngang natira para sa akin! Ano ba kasing mayroon 'tong babaeng 'to?! Ano ba kasi!"

"Hindi totoong paborito ko siya! Anak, wala akong paborito sa inyo! Pantay ang pagtingin ko--"

"Hindi totoo 'yan! Napakasinungaling mo! Puro ka na lang Althea! Paano naman ako?! Si Isaac, ikaw! Lahat! Lahat kayo puro Althea! Anong natira sa akin?! Paano naman ako?!" Kahit galit siya, bakas ang lungkot at lumbay sa kaniyang mga luha.

Pero agad 'yong nawala nang pinunasan niya ito. "Kaya mabulok kayong dalawa rito. There's no way out. Enjoy each other's company. The Father and his useless daughter."

She smiled. Pagkatapos ay marahas na hinila paalis ang dagger na nakabaon sa hita ko kaya napasigaw nanaman ako sa sakit. Naglakad siya paalis sa kuwartong 'yon at muling pinatay ang ilaw.

There's no way out. Isaac, please. Help us.


**************

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now