Chapter 19

6.3K 217 100
                                    

(AN: Sorry sa napakatagal na update, medyo naging busy lang mga mylabs sa office. Pero naiintindihan niyo naman di ba? Thank you!

Nga pala, a kiss from me to the following, ito yung mga nag-gagandahan kong mga readers at nag-gagandahang lalabs ng BDFIL!  Hi Jaira,  Kaye Manarang, Trisha Gahol, Camille Alyanna, zyracute1, TINkerbell1_0, maeisdirectioner, PikachuLoverWP, TrixieBatangTaken, ayum18, ThatFabulousLooking, Bhess_21, Jailain27, maikagadon, Jjelouuuu, trishghl12, mashy_9, ManLigAlLyza, LadhyLeeHEstrella, AlyannaTeng, SilentColdLady, HnahM_shnu,fabfangurl,EssaMaeAltheaDemin, SeeJayQ, CallMyName_, JingjingMatik, berryberrystraw, jeannieryoko, PilyanqKerubin,  FallenRabbit, TheGirlxX, caishashi, SwiftiieeeLala,  KristineMaeConge, iLoveCutiehart, miisssyyyy, mnscky,  Redideeed, AshleyMSantos, chi_kang26, xoxoexo1201,  A_LittleBlackStar, KoreANNE__, daffodilcaber, Scribblerney_, SimplengPrinsesa, jha_jhaluvsyou and jelciemikhail! Salamat sa mga feedback na galing sa inyo. STAY BEAUTIFUL MGA LALABS! :)

Sharri's POV

"Ano na? Wala ka ba talagang balak lumabas? Para sa kaalaman mo, nagsisimula na."

Napatingin ako kay Cha-cha at sa phone na hawak ko. Pinagmasadan ko ang oras sa screen ng phone ko. Tama siya, 20 minutes na. 20 minutes ng nagsisimula ang laro nila. Ito ang huling laro nila para sa summer basketball tournament.

20 minutes na at hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapagdesisyon kung dapat pa ba akong pumunta doon. Bago na ang sim ko, wala na kaming contacts sa isa't isa, dapat ko pa ba siyang i-text para i-good luck?

I missed him.

Isang araw. Isang araw ko na siyang hindi nakikita at ni hindi siya nag abalang puntahan ako dito sa bahay. Marahil ay galit rin siya nang dahil sa inasal ko. 

Pero mali bang magalit ako? May karapatan naman ako, hindi ba? May karapatan akong magalit lalo pa't kami at ang babaeng involve lang naman ay ang babaeng nililigawan niya. Kung hindi niya iyon maiintindihan, well..haay.

"Ano na? Tulala mode ka na lang riyan? Sharri,hindi yan makakatulong. Hindi naman maaayos ang problema mo kung hindi nito yan pag-uusapan. Magdamag kang naka-kulong dito, ako, ako ang na-is-stress sa'yo!" bulyaw nito sa akin. Tiningnan ko ang kabuuan nito. Nakasuot ito ng blue jersey at alam kong jersey ni Hanz ang suot nito,at alam kong gusto nitong manood ng laro ng team nila Gian.

Bumuntong-hininga na lang ako. "Cha-cha, hindi ko alam ang gagawin ko,"wika ko.

Ngumiti ito at lumapit saken. Hinawakan nito ang kamay ko. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend pero nagmamahal din ako, at alam ko ang pakiramdam ng nagseselos, sa maniwala ka o hindi. Alam kong puro ako kalokohan pero maniwala ka sa akin, alam ko ang nararamdaman mo," wika nito.

"Cha-cha..."

"Nasasaktan ka, pero mas lalo kang masasaktan kung hindi kayo mag-uusap, kung hindi mo aalamin ang totoo, hindi yan maaayos kung magkukulong ka dito, naiintindihan mo ba?May tanong ako.."

"Ano?"

"Mahal mo na siya?"

"Matagal na."

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now