Seniorita 24

1.7K 48 3
                                    


Seniorita 24

Selina:

Naglalakad kami ngayon sa labas habang pinapanood ang mga magagandang architecture buildings dito sa London. Kanina pa kami lakad ng lakad walang imikan. Nakapamulsa siya ngayon sa suot niyang makapal na leather jacket at ganun din ako.

"Lutther, 'san plano mong magpunta? I am tired." Huminto ako sa paglakad. I just couldn't help not to blurt it out. Yes, the place was beautiful pero para sa kasama mong mukhang hindi naman talaga ang ganda ng lugar ang ipinunta rito.

I knew.

His face was apologetic. See? Pero hindi ko inaasahan na makita ang emosyon niya ngayon—he was so apologetic as hell!

"I just can't leave you inside the hotel after what happened last night." Wika niya. Nagbuga ako ng hangin saka tumingin sa malayo. Hindi naman niya kelangang mag-alala! I undeliberatedly slept in the bathtub and that happened..

"Kaya isasama mo ako sa pagkikita niyo ngayon ni Aurora? Like what the f**k, Lutther?" At dahil mas timbang ngayon ang personalidad ko bilang si Selina, I turned my back but half of me was f***ing hurt!

Tinahak ng mga paa ko ang pauwi.

So what kung mag-isa akong magliliwaliw sa London while he was doing his business with Aurora!?

No, Selina! Por favor, no.. Pelea por tu amor!

No, Selina! Please, no.. Ipaglaban mo ang pag-ibig mo!

Those thoughts again inside.

"Selina, wait!" He caught my arm na kaagad kong piniksi. I stared at his eyes with madness—na para bang gusto ko siyang pagsasampalin ngayon for doing this to me at hindi ako tanga!

Hindi ako masyadong tanga!

"Don't touch me, Lutther." I warned him. "Alam mo, hindi naman kita isusumbong kay papa or to your parents kung yan ang ikinatatakot mo, e—kaya mo pa ako dinala dito sa London. Hell no! Go.. Please go. You're free, always free. And leave me alone—uuwi akong mag-isa sa Pilipinas." Sabi ko rito at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. For what? I was not born stupid!

Nagmamadali akong naglakad pauwi as my tears clouded me in this drastic pain inside my chest. F**K! This personality disorder was giving me full of sh*t! I hate Lutther—but the other part of me loved him that wanted me to fight.

Pero ayoko!

Ba't hindi ka naghintay na magtanong siya tungkol sa peklat niya sa kamay, Selina? My angry thoughts screaming. Yeah, I remembered he said that right before I slept last night. Seemed he lost his interest!

***

Nang magsimulang magtugtog ng gitara si Lukas ay kaagad na tinakbo ni Sinaya ang malaking bintana ng kaniyang kwarto at binuksan ito.

"Lukas!" Napasinghap si Sinaya nang makita si Lukas na postorang-postora sa suot nitong barong tagalog bitbit ang gitara nito. Napaisip ang dalaga kung paano ito nakapasok sa loob ng mansyon at mas lalo siyang napahanga sa tatag ng loob ng binata..

Pero nag-aalala ito nang sumilip din sa kabilang kwarto ang mama't papa nito. Matalim itong nakatingin sa dalaga.

Gusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Hawak kamay
Pikit-mata
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Ito na ang kantang hinihintay natin
Ito na ang pagkakataon na sabihin sa'yo
Ang nararamdaman ng puso ko
Matagal ko nang gustong sabihin ito
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Hawak kamay
Pikit-mata
Sumasabay sa musika

Parang dinuduyan ang puso ni Sinaya at nakangiting sinilayan si Lukas nang matapos ang kanta nito kahit pa man ay alam niyang nag-aapoy ang mga mata ng mama't papa niya ngayon.

"Magandang gabi po senior, seniora—at seniorita Sinaya.." Pauna ni Lukas saka binaba ang bitbit na hiram na gitara sa kaibigang si Eduardo. Bakas sa mga mukha ng mga magulang ni Sinaya ang pagkagulat at pagkadismaya nang mapagsino ang nasa labas at lakas-loob na nanghaharana sa kanilang nag-iisang anak.

"At makakaalis ka na." Walang gatol na taboy ni Donya Guadalupe sa binate. Kung ano man ang ipinakitang disgusto ng Don ay ganito rin ang nararamdaman niya sa mapangahas na panghaharana ng isang hampas-lupang magsasaka sa kanilang lupain.

"Mama! Bisita ko si Lukas." Huli na nang bumaba si Sinaya para pagbuksan ng pintoan si Lukas sa baba. Mas lalong kita ang galit ng mga magulang nang makitang hawak-hawak ni Sinaya ang braso ni Lukas. Galit na bumaba ng hagdan ang ang Don at Donya.

"Sinaya," Nag-aalalang tumingin si Lukas sa dalaga. Wala itong makapang takot—buo ang loob ni Lukas nang magpunta sa Hacienda Argallon pero hindi nito maiwasang mag-aalala para sa dalaga.

"Lukas, manatili ka sa tabi ko." Ang mga katagang binitiwan ng dalaga ay tila ba libo-libong gasera na nagpapailaw ngayon kay Lukas. Ginanap nito ang malamig na kamay ni Sinaya at mahigpit na hinawakan kahit pa man ay nasa harapan na nila ngayon ang mga magulang nito.

"Sinaya? Anong kalokohan ito?"

"Hampas-lupa, wala kang karapatang hawakan ang anak ko. Sinaya, maaari na siyang umalis!"

Naramdaman ni Lukas na mas humigpit pa lalo ang paghawak ni Sinaya sa kamay niya. Imbes na matakot at sumunod nalang sa mga magulang nito ay taas noong umiling si Sinaya.

"Mama, papa—respetuhin niyo naman si Lukas. Maayos siyang nagpunta rito para bisitahin ako.." Walang gatol na wika ng dalaga. Nagulat ang mga magulang nito sa kaniyang sinabi dahil noon pa man ay sunod-sunoran na siya at pinagbibigyan ang lahat ng kanilang gusto para sa buhay ng dalaga—kahit pa man labag sa kalooban niya. Sinusunod nito pero hindi na ngayon.

Si Sinaya ang magdidikta at walang karapatan ni-sino man ang diktahan ang kung anong nasa puso niya ngayon.

Malaya at handa itong isigaw ang pangalan ng lalakeng tinitibok ng puso niya ngayon kahit mayamot man ang buong mundo sa desisyon nito!

"Sinaya! Hindi ka namin pinalaki para maging mababa! Ang maharlika ay sa maharlika at ang alipin ay sa alipin—kaya paalis mo ang lalaking yan ora mismo!" Sigaw ng Don. Itinaas pa nito ang tungkod sa galit.

Kahit man na gustong ipaglaban ni Lukas ang kaniyang dignidad at pagmamahal para kay Sinaya ay sobra na itong nag-aalala para sa dalaga.

"Sinaya, uuwi na ako.. Nagpunta ako rito para kantahan ka at ipahiwatig ang taos puso kong pag-ibig sa'yo. Alipin man ako, oo—at kailanman ay magiging alipin ang puso ko sayo, seniorita.." Madamdaming pahayag ni Lukas at sadyang nilakasan para marinig ng mga magulang nito na labis-labis na ang galit lalo na nang halikan niya ang kamay ni Sinaya bago tuloyang yumukod sa Don at Donya upang umalis na.

Masakit man para sa binata na sadyang kay layo ng antas ng kanilang estado na ipinamukha sa kaniya ng Don—totoo naman.. Pero hindi ito ang magiging hadlang na susuko siya para sa pag-ibig niya kay Sinaya.

Nunca me rendire.

I will never give up.

Reincarnated Hearts 1: MY 1905 SENIORITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon