Kabanata 13

1.1K 45 3
                                    

Kabanata 13

Accusations 


Nanonood ng tv si Lala sa sala habang naghihintay sa pagdating ng grupo ni Malgre. Susunduin daw siya pagsapit ng alas-singko. 

"Mind your curfew Lala. Hindi ka dapat lalagpas," paalala ng Mommy niya. 

Sumulyap siya sandali sa Ina at binalik ang atensiyon sa pinapanood na palabas. Kahit noon pa man ay may curfew silang magkakapatid. Pwera na lang kung kinakailangang mag-over night para sa mga school projects and stuffs. On weekdays, they should be home before 8 pm and 10 pm on weekends. Kung magkakaanyayaan ang mga barkada ay siya parati ang nauunang umuwi.

 With her Mom being a traditional parent, it was a bit tough. Nagpapasalamat lang siya dahil iba ang Daddy niya. Hindi ito masyadong mahigpit. Mas pinapayagan siya nitong magdesisyon. 

She didn't like it that her Mom treated her like some child who needs a surveillance 24/7. She envied her friends for having such freedom. Napakasimpleng bagay sana pero ito pa ang mahirap ibigay sa kanya. Minsan nakakahiya sa mga friends niya. They questioned this kind of rule. She tried to tell them of her Mom's reasons but they said it's unreasonable. There were times that she had to lie just to experience the kind of freedom that her friends enjoyed. 

But good things didn't last as they say. Her Mom found out her deception and she was being reprimanded. It was enough lesson for her that she never broke the rule again. 

"Don't worry Mom. Hindi naman ako magtatagal sa Centro," aniya at pilit na tinatago ang pait sa tono. 

Ilang sandali pa ay may bumusina na sa labas. Mabilis siyang humalik sa pisngi ng Ina at lumabas ng bahay at nagtungo sa nakaabang na jeep. Si Hugo ang nasa driver's seat at katabi nito si Malgre. 

Kumaway ang mga ito at binati siya. Pumasok siya sa loob at tumabi kina Julian at Fatima. Nasa kanang bahagi sila ng jeep habang sa kabila naman ay sina Gael, Fiona at Alma. 

"Is he allowed to drive?" Bulong ni Lala kay Julian. 

Natawa naman ito. "Huwag kang mag-alala. May driver's license si Hugo." 

Bigla siyang nakampante at nakisabay sa usapan.

"Dapat nakauwi na ako bago mag-alas diyes ha?" Paalala niyang muli sa grupo. 

"Sige Lala. Sabihan mo kami kung gusto mo ng umuwi," ani Gael. 

Nahuli niya pa ang pag-ismid ni Alma. "Pa special," bulong nito. 

Tinaasan niya ito ng kilay nang magtama ang kanilang mga mata. Namula ang mukha nito sa inis at kinausap si Fatima. Wala naman siyang ginagawang masama pero kung makaasta ito ay parang ang laki ng kasalanan niya. 

Pagdating nila sa Centro ay halos dagsa ang mga tao sa gym. Hindi naman kalakihan pero maayos naman ang itsura. 

"Doon tayo malapit sa Team nila Kuya," ani Fiona at naunang naglakad.

Sumunod sila. Medyo maingay ang gym dahil puno na rin sa mga tao. Nagwa-warm up na rin ang magkabilang team bago magsimula. Narating nila ang gitnang bahagi sa unang bleacher at doon sila umupo. Walang nakaupo sa bahaging ito at mukha talagang reserve para sa kanila. 

Lala scanned the players one by one but she couldn't find what she was looking for. Her mouth pursed at the disappointment. 

May lumapit na makisig at gwapong lalaki sa pwesto nila at kaagad na kumaway si Fiona habang malapad ang ngiti. 

"Good luck sa game niyo Kuya Lutian!" 

"Thanks. Enjoy the game," he smiled back and Lala heard the girls squealed behind them. 

(On Hold) He Who Steals My Heart DLC 3Where stories live. Discover now