Kabanata 10

1K 37 3
                                    

Kabanata 10

Concern


Nagpahinga muna sila sandali pagkatapos ng tanghalian. 

"Naku! Nagtext si Mama. Pinapauwi na ako," nakabusangot na sambit ni Malgre. 

Napatingin silang lahat dito. 

"Sige, tayo na," ani Fatima. "Pero paano si Lala? Baka Mapano pa siya pagsumakay ulit sa trisikel." 

Lala appreciated Fatima's concern. She couldn't believe the affection she received from them because they just knew her this morning and to think that she was kinda rude. 

Ganito ba kabait ang mga taga-probinsiya? 

"Don't worry about me. I can call my Dad to pick me up." 

Nagligpit na sila at bumaba na sa burol. 

"Mauna na kayo. Sasamahan namin ni Kuya si Lala habang naghihintay," ani Fiona. 

Ilang sandali pa ay may dumating na trisikel. Sumakay na sina Malgre, Gael, Julian, Fatima at Alma. Kumaway sila habang papalayo ang sasakyan. Nahuli niya pa ang matalim na tingin ni Alma sa kanya. 

That girl surely didn't like her. Well, she didn't care anyway. 

"Fiona, you can go. You don't have to wait with me here. Paparating na si Daddy," giit niya. 

Deep inside she was scared to be left alone. Who knows what's in the woods. Baka may rebeldeng dumating. Malayo pa naman ang lugar na ito sa bayan. Mahirap makakuha ng tulong kung sakaling may mangyari sa kanyang hindi maganda. 

Tahimik lang si Marcco sa tabi nila. Baka galit parin ito dahil sa nadumihang damit. 

Umiling si Fiona. 

"Aalis kami ni Kuya kapag dumating na ang Dad mo. Just to be safe." 

Lala nodded. "Salamat." 

Ilang minuto pa ang lumipas at tumunog ang kanyang cellphone. It was her Dad calling. 

"Dad? Nasaan ka na?" 

"Lala, nasiraan ako. Pinapaayos ko pa sa talyer." 

Natigilan siya at napasimangot. They should have bought a new car and dispose that cranky old pick up. 

"Sasakay na lang ako ng trisikel Dad pauwi." She couldn't believe what she just said. 

"Sige. Mag-ingat ka. Call me when you reach home." 

"I will Dad." 

Nanlulumo siyang napatingin kay Fiona. 

"Bakit?"

"Nasiraan ng sasakyan si Dad. I'll just ride the tricycle." 

Baka isipin pa nila na sobrang maarte niya. Well, she's very picky depends on the consequences. 

"Or pwede kang sumabay sa amin? Pwedeng pandalawahan ang kabayo ni Kuya. Doon ka na sumakay," suhestiyon nito. 

Napamaang siya at napasulyap sa gawi ni Marcco na madilim ang awra. Why he looked so angry and scary? She wasn't used this side of him. 

"Hindi na. Ayokong makaabala," tanggi niya.  

"Sige na. Okay lang naman kay Kuya," tumingin si Fiona sa kapatid. "Diba Kuya?"

Nagtagis ng bagang si Marcco at marahang tumango habang nakatitig sa kanya ng mariin. 

"Yeeyyy! That's settled  then!" Pumalakpak si Fiona sa sobrang saya at nauna ng naglakad papunta sa kabayo. 

(On Hold) He Who Steals My Heart DLC 3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora