Kabanata 12

1.2K 35 5
                                    

Kabanata 12

Qualifications 


First day of school. Hinatid ni Brad sina Lilian, Lala at Jose sa eskwelahan. 

"Enjoy your first day of school Lala, Jose," ani Brad sa mga anak. 

"Try to make friends Lala," paalala ni Lilian. 

"Mom I'm here to study not to make friends with those bunch of country kids," Lala mused to herself.  

She nodded and kissed her parents cheeks. 

Everybody's wearing a school uniform except her. Kaya naman agaw pansin ang kanyang suot sa mga estudyanteng nalalagpasan niya. May uniform naman siya but she decided not to wear it today. Siguro naman hindi siya masisita sa mga guro. She is a new student so it's normal not to wear uniform for a few days. 

She wore a faded denim skirt, white shirt and white sneakers. Her get up was modest enough for school she thought at least. 

Pagpasok niya sa unang subject ay hindi niya akalaing magkaklase sila sa grupo ni Malgre. Kaagad naman siya nitong nakita at kumaway. Kumaway siya pabalik at lumapit na rin sa grupo. Nakatingin pa sa kanya ang halos lahat ng mga estudyante. 

She disliked the fact that they were staring as if she was a specimen. Didn't they know that it's rude to stare someone? 

"Good morning Lala!" Halos magkasabay na bati nila. 

"Good morning too," tipid siyang ngumiti at tumango.  

"Dito ka na umupo Lala," alok ni Hugo sabay turo sa katabi nitong upuan. 

"Salamat." 

"Wala ka pang uniporme?" Pasaring na tanong ni Alma at hinagot siya ng tingin. 

Hindi niya gusto ang tono nito. Among of Malgre's group, mukhang si Alma lang yata ang ayaw sa kanya. 

"Meron na but I decided not to wear it. You know, perks for being a new student," she smirked and sat on the chair. 

Naningkit ang mga mata ni Alma sa inis at lumayo. That girl should not start a war with her. She would never win in the first place. 

"Ganda ng suot mo Lala," nakangising turan ni Julian. "Huwag ka ng mag uniporme." 

"Tumahimik ka nga!" Sita ni Malgre sabay sapak kay Julian kaya natahimik ito. 

Nagtawanan naman ang iba.   

  The class went smoothly the whole day. Wala pa namang assignments. 

"Lala sabay ka na sa amin pauwi," yaya ni Malgre habang papalabas sila ng classroom. 

"Hindi na. Susunduin ko pa ang kapatid ko," tanggi niya. 

"O siya sige mauna na kami sayo." 

Tumango siya at kumaway. Tinahak niya ang daan patungong elementary school. Magkatabi lang ang campus kaya madali niyang narating ang eskwelahan. Nagsiuwian na rin ang ibang mga estudyante. Natagpuan niya ang kapatid sa mismong classroom nito na nagbabasa ng libro. 

"Jose," tawag niya sa kapatid. Tumingin din ito kaagad sa gawi niya. "Let's go." 

He stood up and gathered his things and went to her. 

"How's your first day of school?" 

Jose glanced at her and shrugged. 

"It was okay." 

Muli siyang sumulyap sa kapatid at hindi na nagtanong pa. Narating nila ang waiting shed kung saan sila kukunin ng kanilang Daddy. 

Lala texted her Mom that they are already at the waiting area but she didn't reply. Lumipas ang limang minuto at napagpasyahan niyang sunduin ang Ina sa eskwelahan. 

(On Hold) He Who Steals My Heart DLC 3Where stories live. Discover now