Ugly #14

97.9K 2.7K 134
                                    

“Nakikinig ba kayo?” Sigaw ni Coach sa buong team. Nakaupo lang ako sa sidelines, nakikinig rin sa mga sinasabi ni Coach.

The whole team is present since Coach Abueva specifically called for an urgent meeting before resuming with the daily practice. Someone already checked the team’s attendance. Pati nga si Sage na hindi naman talaga kasama sa team ay nandito rin para sa meeting.

Pagkadating ko sa field kasabay si Coach, si Sage agad ang unang nakita ko. Katulad ng pangyayari sa ibang practice, hindi siya nakatingin sa akin kaya pinagbigyan ko ang sarili ko na panoorin siya.

Kagaya ng mga nakaraang practice, mag-isa lang siyang nagwa-warm up. May nilalaro siyang bola gamit ang mga paa niya.

Nang mag-abot ang mga tingin namin, halos malagutan naman ako ng hininga kaya bago pa ako matuluyan sa harapan niya ay umiwas na agad ako ng tingin. Nakakahiya naman kung matuluyan pa ako sa harapan niya diba.

It’s been days since the last time we talked. Nung huling practice na nagkabangayan sila ni Marcus. Hindi ako pumunta nung sumunod na practice kaya hindi kami nagkita. Hindi na rin muna ako nagparamdam sa kanya dahil naging busy ako sa pag-iisip ng magiging next step ko. Sa sobrang pag-iisip ko nga, hanggang ngayon blangko pa rin ako at nakanganga.

I thought thinking up of a plan would be easy since I’m the master of all plots and evil schemes but I thought wrong. I still can’t think of anything brilliant but I’m working on it. Hindi ako yung tipo na sumusuko. Mas exciting nga kapag ganito—challenging.

“Magsisimula na ang games in two weeks. Sa ngayon, wala pang inilalabas kung anong Universities ang unang maglalaban but we all need to be prepared. Kung tayo ang unang game, then that’s good. Uumpisahan natin itong season nang may panalo, tatapusin din natin itong season nang may panalo.”

Sanay na sanay na ako sa pep talk ni Coach Abueva. Minsan nga naiisip ko kung bakit hindi na lang siya naging philosopher. Dinaig niya pa si Gandhi sa dami ng words of wisdom na naririnig ko siya. He’s dead serious at everthing. I’m not. Hindi talaga ako sanay magseryoso. Yun ang problema. No one can even imagine how hard it is for me to stop myself from laughing.

“I’ve seen improvements from all of you but that doesn’t mean you’re going to let your guard down. Laging paabante ang andar. Wag kayong makuntento at makapante. Always keep in mind, hindi lang kayo ang gumagaling, yung kalaban niyo din. You all trained hard, worked hard—and if you want my thanks, then you have it.”

“Welcome, coach!” May isang malakas ang loob na player ang sumigaw kaya nagsitawanan naman ang iba. Si Coach Abueva naman ay nanatiling poker face pa rin pero umiling-iling din siya.

“And since I know how to show my gratitude—you guys better pack your bags by next week for our trip in Tagaytay.” Nagsimula ng mag-ingay ang mga players sa naging announcement ni Coach. Ako naman ay napanganga dahil hindi ko alam ang tungkol sa trip.

“We’re going to stay there for two days. Ipinapaalala ko lang sa inyo, hindi tayo pupunta doon para magharutan. Pupunta tayo doon para alisin ang pressure sa mga katawan niyo.”

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon