Ugly # 27

95.6K 3.2K 752
                                    

Something changed. Naramdaman ko iyon simula nang niyakap ako ni Sage kahapon. My jury about him having a multiple personality disorder is still out and he's still the same Sage that I always knew, but... He became gentle, not drastically, but being with him felt different.

Pagkatapos ng yakap na iyon ay hinatid ako ni Sage sa susunod na class ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang schedule ko at hindi na binalak pang itanong. I was still floating from the hug, my mind too clouded to even process a single word. Nang makarating naman kami sa harapan ng room ko ay umalis din agad siya. Tiningnan niya lang ako at walang isang salita na umalis.

Buong araw ko inisip ang nangyari. Marami akong theories kung bakit ako biglang niyakap ni Sage at kung bakit niya sinabi ang mga sinabi niya sa akin. Una, katapusan na ng mundo. Naghintay ako buong araw ng pagbagsak ng meteorites, pagsabog ng bulkan o di kaya ay pagyanig ng lupa pero none of the above.

Pangalawa, either gutom siya o may nakain siyang kakaiba. I still wasn't sure about this, so this is still a possibility.

Pangatlo, may sakit o kaya may taning na ang buhay niya kaya pati utak niya ay naapektuhan. Nang niyakap niya ako ay hindi naman siya mainit. At mukhang healthy rin naman siya kaya medyo malabo rin ito.

Pang-apat, nagtagumpay na ako sa mission ko at gusto na niya ako. Pagkatapos nang nangyari kay Marcus ay pinangako na hindi na ako aasa. Never assume unless otherwise stated. Kapag kasi umasa ka, hindi ka lang magmumukhang tanga, masasaktan ka pa.

Hindi ako pumunta ng practice kahapon kaya ngayon ay maaga akong pumunta sa office ni Coach para humingi ng sorry. I just told him na nagkasakit ako for three straight days. Hindi ako sigurado kung naniniwala si Coach sa akin, kung hindi ay hindi ko malalaman dahil wala siyang sinabi at tinanggap na lang niya ang excuse ko. Posible kasing narinig niya ang ginawa ng magaling na soccer player niya kaya pinalusot na niya ang absences ko.

I was in the middle of attacking an enemy clan, sending my powerful troops to destory everything in its way when a continuous knock blared softly against the door. My eyes widened and I was suddenly alerted. Mabilis na pinatay ko ang phone ko at itinago iyon sa bag.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na naglakad patungo sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bumungad sa akin ang isang pawisan na Marcus. Parang may sumuntok sa dibdib ko dahil hindi ako nakahinga.

Limang araw na rin simula nang huli ko siyang nakita at nasampal. Ramdam ko ang panlalaki ng mga mata ko sa pagkagulat. Him on the other hand looked both scared and nervous. His eyes softened when he saw me and remorse painted across his face.

"Maria Celestine," mahina at malambot ang boses ni Marcus. I flinched at the sound of his voice. Seeing him is a reminder of my broken ego. Hearing him talk takes me back to my moment of stupidity.

Hindi ako nagdalawang isip na itulak pasara ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Marcus doon. Mukhang hindi niya iyon inaasahan. Atomatiko na inangat ni Marcus ang parehong kamay niya para pigilan ang pinto sa pagsara. Hindi ko na inabala pa na makipagtulakan sa kanya dahil alam kong mas malakas siya sa akin.

"Ayaw kitang makausap. Umalis ka na." malamig na sabi ko. Parang sinampal ang reaksyon ni Marcus sa sinabi ko.

"Please, Maria. Please, listen to me." he pleaded. His hopeful and soft eyes didn't do anything to melt the cold chip on my shoulder.

"Ayaw mong umalis?" wala pa rin tono ang boses ko nang tinanong ko siya. I remained calm, composed, and detached. Even when all I wanted to do was hurt him and make him pay for my afflicted ego.

Marcus stubbornly shook his head at me. I could see the determination flashing in his eyes. He's not going to bend. It's obvious in his face. I mentally raised my eyebrow at him but remained cool on the outside.

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon