Ugly #22

88.9K 2.8K 129
                                    

I held my breath as soon as I stepped in the University grounds. I kept on turning my head left and right, looking for Sage to appear any second that I'd put my guard down. 

Kahit wala akong pasok kahapon ay sobrang paranoid pa rin ako dahil inaasahan ko na bigla na lang lilitaw si Sage sa harap ko. I wasn't sure why I'm so terrified to see him, but I'm still scared anyway. Malay ko ba kung ano ang gagawin niya sa akin.

Nung mabasa ko ang text niya sa akin nung kasama ko si Marcus, halo-halong emosyon ang naramdaman ko. It made my stomach twist, my heart fluttering and pounding on my chest, and I couldn't breathe. 

His text indicated that he was jealous, or at least that's what I want to assume. And him being jealous made me feel things that I wasn't familiar with. It made me smile too. Marcus even asked what I was smiling about and I just shook my head at him, hiding my flushed face that Sage's message caused.

Pink Panther's musical score would suit the way I'm walking right now. I'm so jumpy that it would seem like I just committed the biggest crime there is. 

Sage's message haunted me for a day and even at night. I had a hard time sleeping because everytime I would close my eyes, his threat would find a way to pop in my mind. Kahit na wala namang evil laugh na nakalagay sa text niya ay naririnig ko rin yon sa utak ko. 

Weird naman talaga ang theme ng mukha ko ngayon, pero dahil sa eyebugs ay mas lalo akong nagmukhang weird. I'm too busy being paranoid to care about the disgusted and indifferent looks that I've been receiving the whole morning.

Nanlaki ang maga mata ko at nanigas ang buong katawan ko nang umangat ang balahibo ko sa batok. I could sense that someone's close behind me. My heart started to erratically beat against my chest. I tightly balled my fist before turning around with both eyes closed and hands clasped near my chest.

"Patawarin mo na ako! Hindi ko na uulitin. Hindi na ako sasama kay Marcus. Sasagutin ko na tawag at text mo. Ibibigay ko lahat sayo. Wag mo lang ako sasaktan, please! Pati puso at kaluluwa ko, iyong-iyon na. Wag lang yung puri, kasi di pa ako handa. Pero, pwede ko rin pag-isipan basta pasilip muna sa abs, wag mo lang ako parusahan, parang-awa mo na." tuloy-tuloy ang sabi ko habang nakapikit. Ni-hindi ko na alam kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko. 

Nakapigil pa rin ang hininga ko habang hinihintay ang isasagot sa akin ni Sage. Hindi sumagot si Sage. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko naisipan idilat ang mga mata ko para makita kung bakit hindi siya nagsasalita. Siguro binibigyan na naman niya ako ng malalamig at matitigas na titig. 

A grimacing girl welcomed my view and watched me like I was a total lunatic who just recently escaped the asylum. "Baliw." she spat, rolling her eyes before walking pass by me.

I face palmed myself, grunting at my very own stupidity. My weirdness knows no bounds. Kung ano-ano pa ang pinagsasabi ko, hindi naman pala si Sage iyon. Kulang nga talaga ako sa tulog.

Umiling-iling na lang ako sa sarili ko at ipinagpatuloy ang paglalakad. Nag-ingat pa rin ako buong araw dahil hindi pa rin nawala ang kaba ko na makasalubong si Sage. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang gagawin niya sa akin kapag nakita niya ako. 

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon