Sinabi mong aalis ka
At ika'y nagpapaalam
Sabi ko, "Ano ngayon?
Wala akong pakialam!"
Sabi mo ito ang dapat
Kahit sa puso'y may kirot
Sabi ko, "Sige lang,
hindi ako malulungkot."
Sabi mo mahal mo ko
At mahirap to para sa yo
Sabi ko, "Wala lang yan.
Malilimutan mo rin ako."
Hindi ka na tumugon
At tuluyan nang umalis
Nagawa ko pang isigaw
"Wag ka nang magbabalik!"
Ngunit kahit pilitin ko
Na ika'y kasuklaman
Tamis ng yong ngiti
Di ko pa rin malimutan
Kung sinabi ko ang totoo
At ika'y nagawang pigilan
Yakapin mo kaya ako
At hindi na lumisan?
MLS 11-08-06
![](https://img.wattpad.com/cover/2415277-288-k508567.jpg)
BINABASA MO ANG
Stare at the Window and Rhyme
PoetryWriting is like mind-pooping. And oh, it rhymes.