Hindi mo pansin ang mga sulyap
na naipupukol pag andyan ka
Hindi halata ang mga ngiti
lalo pag malapit ka na
Hindi mo ramdam ang pagkahiya
kapag nataong kasama ka
Tila ba wala lang sayo
pag mukha ko ay namumula
Hindi mo nakita sa mata
abot-langit kong paghanga sayo
Hindi kita sa mga halakhak
ang nilalaman ng puso ko
Hindi mo nakitang dumating
at hindi nalaman ang sadya
HIndi naramdaman ang pag-ibig
At hindi rin napansing nawala.
MLS '07
_____________________________________________________________________________
I had a huge crush on a friend. So yeah. Not gonna talk further.
YOU ARE READING
Stare at the Window and Rhyme
PoetryWriting is like mind-pooping. And oh, it rhymes.