Ba't ako iiyak
kung sakaling iwan mo?
Hindi ka naman guapo
Sayang lang ang luha ko
Ba't ako iiyak
kung manligaw ka ng iba?
Siya ang gusto mo eh
Malas lang talaga niya
Ba't ako iiyak
kung di mo ako pansinin?
Hindi ka naman artista
Ano ngayon sa kin?
Ba't ako iiyak
kung iba na ang mahal mo?
Wala ka namang pera
Magdusa siya sayo!
Ba't ako umiiyak
ngayong wala ka na?
Nadudurog ang puso ko
na makita ka sa iba
Nababadtrip lang talaga ko
kasi masaya ka sa kanya
Wala kang kuwentang tao
Pero shit, mahal kita!
MLS 12-29-2006
BINABASA MO ANG
Stare at the Window and Rhyme
PoetryWriting is like mind-pooping. And oh, it rhymes.