Gay Magnet
Magaling ka sa piano
Mahilig ka sa drama
Stick to the classics
First love ang pagbabasa
Nanonood ng ballet
Nandidiri sa wrestling
Todo-todo kung mag-aral
Number one sa class standing
Ayaw mo ng violence
Pero protective ka sa babae
Pag nakipag-away, walang suntukan
Dinadaan sa debate
Sinong di magkakagusto
Sa lalaking kagaya mo
Saksakan na ng guapo
Ubod pa ng talino
Malay ko bang sa ilalim niyan
Me sikreto kang tinatago
Ang daming maganda sa mundo
Guapo ang hinahanap mo
Kaya ka pala perpekto.
MLS 07-01-08
![](https://img.wattpad.com/cover/2415277-288-k508567.jpg)
YOU ARE READING
Stare at the Window and Rhyme
PoetryWriting is like mind-pooping. And oh, it rhymes.