Tip 4: War and Passion

35.2K 278 31
                                    

WARNING! Do not proceed if you have a weak constitution of sexual matters and descriptions. You have been warned.

_______________________________________________________



Alonzo's

I was standing in front of Southbridge University thinking of how I was going to finish school and pay the fees and all. I transferred here because of complications at my old school. I still couldn't quite believe that they kicked me out because I wasn't able to pay the fees on time. Ni wala man lang consideration. They didn't even bother to know that I have to work my butt off to keep my family going and pay for my school.



After I got my studyload from the Registrar's Office, I went straight to my locker to see Vee, my only friend in this University. Sabi niya, gigising daw siya ng maaga para ihatid ako sa room ko. Hindi pa naman kasi ako gaanong pamilyar dito. When I arrived, I didn't see anyone there. Not even Vee. Where the hell is she? Hindi ba niya ako sisiputin?



I opened my locker to find a bouquet of beautiful flowers, roses to be exact. The scent of them immediately filled my nostrils. Nagtatakang kinuha ko iyon mula sa loob. Where did this come from? Who opened my locker? Bago palang ako dito, papaanong magkaroon kaagad ako ng admirer?





I immediately closed my locker and proceeded up the stairs nang marinig ko ang pag-bell tanda na magsisimula na ang klase. Hindi na ako nag-abalang hintayin pa ang aking magaling na kaibigan dahil sigurado na akong hindi na siya makakarating.



Sinulyapan ko naman ang aking schedule. 'MKTG 1- 8:30-10:00am, room 401'. Napabuntong hininga ako. Sobrang aga talaga ng first class ko.





Habang naglalakad hawak pa rin ang bulaklak sa aking kamay, nag-iisip ako kung bakit naisipan kong dito sa Southbridge ipinagpatuloy ang aking pag-aaral gayong alam ko namang nandito ang kinasusuklaman kong tao. Si Chase Guevara. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya nagbabago. Mabuti na lamang ay nalaman ko agad ang totoong pagkatao niya. He's one hell of a sucker. I really hate that guy.





"Woah! Careful." Pangatlong step ko na nga sa stairs paakyat sa second floor ay kamuntik na akong mahulog nang may bumangga sa akin. Napapikit at napahawak ako sa aking ulo. Grabeng impact naman iyon.



Namilog ang aking mga mata at nadidismayang nahugot ko ang aking paghinga nang iangat ko ang aking ulo at nakita ang lalaking kanina lamang ay minumura ko pa sa isipan ko.





Oh, no. Kaya ako nanggaling sa Registrar's Office kanina ay dahil nag-change ako ng subject. Naabutan ko kasi siyang may hinahalikang babae at ayoko ng makasaksi ulit ng ganoon. Hindi ko inaasahang ang dahilan pa ng pagkasira ng araw ko kahapon ay siya pang sasalubong sa akin ngayon.





"Natanggap mo na pala ang bulaklak na ipinadala ko." sabi ni Chase na nagpaputol sa iniisip ko.



"Sa 'yo galing 'to?" gulat na gulat kong tanong sabay itinaas ang hawak hawak kong bouquet. Ang kaninang magandang bulaklak ay unti-unting pumangit sa aking paningin.



"Peace offering ko 'yan sayo." Mahinahong sabi niya na nagpakunot ng aking noo.



"Why?" buong pagdududa kong tanong. Si Chase Guevara, nakikipagbati?



"Gusto ko lang malaman mo na hindi ako masamang tao katulad ng iniisip mo." Natanggal ang pagkakunot ng aking noo dahil sa sinserong pagkakasabi niya noon pero napalitan iyon ng pagtaas ng aking kilay.



War with a Tease ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon