Tip 2

41.3K 329 36
                                    




I woke up as soon as the sunlight hit my face. Sinapo ko ang aking ulo dahil medyo sumasakit ito. Makaasta ako parang ilang bote nainom ko kagabi, ah. I slowly opened my eyes and found myself all tangled up into the sleeping figure next to me, the sheets barely covering the both of us. 'Ah, not again.'



I turned my body to face her and stared in awe at her gorgeous sleeping face. I wonder kung saang club ko siya nakilala. Yeah, I always have 'sleepovers' when I go clubbing. I think it's a part of me to leave a club bringing someone with me.



I got my phone to see what time it was: 7:30am. Nanlaki ang aking mga mata at dali daling kinuha ang aking mga damit sa sahig. 'Tangna! Oo nga pala!' First day ng 2nd semester namin ngayon at wala akong balak magpa-late!



Nag-shower ako pagkatapos ay lumabas na. Nakita ko naman na gising na 'yong babae na nakahiga pa rin sa kama.





"Morning!" She greeted me with a smile.



Hindi ko ito sinagot. Nagmamadali ako at wala akong planong makipagbolahan na naman dito. Pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi ay tinapos ko na ang ugnayan sa amin ng babaeng ito. Ang gusto ko sana ay makalabas dito sa hotel na 'to nang hindi pa ito nagigising dahil ayoko ng interogasyon. Knowing girls? Nah!



"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin pagkatapos ay umayos ng upo. Sabi na eh.



"None of your business." Sagot ko naman dito habang inaayos ang aking damit.



"Then... pangalan mo?"



"That also."



"Okay... so you don't mind sleeping with some stranger?"



"I'm planning on keeping it that way. Besides, we won't meet again. Thanks for the night." I said then stormed out of the room.



Alam kong hindi na niya ako hahabulin pa dahil wala siyang suot na damit. Alangan namang magbalot siya ng kumot habang hinahabol ako katulad ng mga nangyayari sa mga walang kakwenta kwentang palabas? Sa mga palabas lang iyon nangyayari at malayo sa totoong buhay. Wais ako. Alam ko kung kailan aalis.





Habang pababa ng elevator, kinontak ko naman si Ethan.



("Yo!")



"May pumasok ba na Prof, Pare?"



("Meron. Bakit absent ka? Napuyat ka ba ng husto?") Tanong nito na halatang tinutukso ako. Rinig na rinig ko ang mahinang tawa ni Ethan sa kabilang linya. Nyeta.



"Gago! Malelate lang ako sa susunod na klase, Daan lang sa condo. Ge!" tapos in-end ko na ang call.





Alas otso first class ko tapos anong oras na ba ngayon? 8:45am na! Sinasabi na nga ba eh! Sabi ko pa naman sa sarili ko magbabago na ako ngayong 2nd semester pero anong ginawa ko? First day palang fail na agad!





-





"We will have a quiz for tomorrow so please prepare. Class dismissed!" Sabi ng Prof namin sa Literature pagkatapos ay lumabas na ng room.





Mabuti naman at tapos na ang klase. Kanina pa ako atat na atat lumabas dahil nagugutom na ako. Simula kaninang umaga ay hindi pa ako nakakain dahil nagmamadali ako. Buti nakaabot pa ako sa last 2 classes.



"Wohoo!" sigaw ni Ethan na kinuha ang cellphone ni Rex.



"Hoy, ungas! Akin yan!" sigaw din ni Rex na hinahabol na ngayon si Ethan. Ganyan lang sila palagi. Tatlo lang kasi kaming kasama sa soccer team na magkaklase dito. Sina Captain at 'yong iba pa ay nasa Engineering Department kaya kami-kami lang din ang nag-aasaran dito.



War with a Tease ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon