Chapter Twenty-Six

509K 7.1K 699
                                    

"Anong ibig sabihin nito?!"

Napalingon agad ako sa may pinto nang marinig ang boses ni Jace. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa maleta ko. Dahan-dahan siyang lumapit at hinawakan ng mahigpit ang kaliwang braso ko.

"Iiwan mo na naman ako?" mahinang sabi niya.

Hindi ko maipaliwanag kung anong damdamin 'yung nakikita ko sa mga mata niya. Takot ba 'yun, galit, pagkalito...

Tumitig lang ako sa kanya at hindi sumagot. Binitawan niya ang braso ko mayamaya saka isinuklay ang mga kamay niya sa buhok. Tila naguguluhan siyang luminga sa paligid. Nakikita ko na ang pangingilid ng luha niya saka hindi tumitingin sa akin ay nagsalita ulit siya.

"Sasama ka sa kanya?" puno ng galit na sabi niya kahit na mahina lang 'yun. "Iiwanan mo na naman ako para sa lalaking 'yun? All this time pinaniwala mo akong mahal mo ako Lana!" pasigaw nang sabi niya.

Mabilis na lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Pumikit siya at pinagdikit ang mga noo namin. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang mahinang boses niya.

"Sinabi mong mahal mo ako. Ilang beses mong sinabi 'yun. Please... sabihin mong totoo 'yun. Sabihin mong mahal mo talaga ako," aniya.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero pinigilan ko ang sarili ko. Inalala ang mga bagay na binalak niya para lang masaktan ako ng sobra.

"Hindi kita mahal," sabi ko. Pero iba ang sinasabi ng puso ko. Gusto nitong isigaw na mahal ko siya. Pinilit kong makawala sa pagkakahawak niya sa akin dahil baka hindi ko mapigilang mapahagulgol na lang.

Hindi niya agad ako pinakawalan pero mayamaya ay marahas niya akong binitawan. Tumalikod siya kaya naman ipinagpatuloy ko na ang pageempake.

Ramdam ko 'yung tingin niya sa akin pero hindi ko na 'yun pinagtuunan ng pansin. Isinara ko na agad ang maleta ko at ibinaba 'yun mula sa kama. Agad akong naglakad para makalabas ng kwarto pero nagulat na lang ako nang yakapin niya ako mula sa likod.

Pinilit kong alisin ang mga braso niya pero lalo niya lang 'yung hinigpitan.

"Bitiwan mo ko..." sabi ko.

Hindi siya bumitiw. Bagkus eh naramdaman ko ang pagdausdos niya hanggang sa sahig. Bumaba ang yakap niya ang mga hita ko at isinandal niya ang ulo niya sa likod ko. Pilit ko siyang nilingon at doon ko nakitang kung paanong nakaluhod siya sa sahig.

"J-jace..."

Hinawakan ko ang mga kamay niya para alisin 'yun pero ayaw niyang bumitaw. Nakayakap lang siya sa akin habang ramdam ko 'yung bahagyang panginginig niya sa likod ko. Naririnig ko ang mahinang paghikbi niya habang hindi siya kumikilos sa pagkakaluhod.

"'Wag mo 'kong iwan..." aniya.

Hindi ako kumibo at tahimik na umiyak na lang.

"Ako naman ang piliin mo ngayon, Lana. Please... ako naman... 'wag na siya." Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya. "Lana 'wag mo naman gawin sakin 'to o. Pinatay mo na ako noon nang iwan mo ako para sa kanya. 'Wag mo namang ulitin pa. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa..." pagpapatuloy niya.

Sinubukan ko ulit alisin ang mga braso niya at sa pagkakataon ito ay nagtagumpay ako. Humarap ako sa kanya at nakita ang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha niya.

"Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka sa akin." Nakatingala siya sa akin habang nakaluhod na ngayon sa harap ko. "Kahit hindi mo ako mahalin ayos lang. 'Wag mo lang akong iwan please... 'wag mo akong iwan..." Inabot niya ang mga kamay ko at hinawakan 'yun ng mahigpit saka dinala sa mga labi niya. "Mahal na mahal kita... mahal na mahal kita... mahal na mahal kita..."" paulit-ulit niyang sinabi ang mga katagang 'yun hanggang sa pahina na ng pahina at mga hikbi niya na lang ang naririnig ko.

Hindi ko alam ang gagawin. Ayoko naman talaga siyang iwan. Yayakapin ko na sana siya nang makita ko ang mga gamit niya na nasa may pinto. Agad na bumalik sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Jean. 'Yung oras na siya ang sumagot sa tawag ko kay Jace, 'yung mga sinabi niya sa restaurant, ang ginawa niyang paghalik kay Jace sa labas ng building ng condo niya at ang kumpirmasyon ng mga sinabi ni Jean mula kay Maico.

Marahas akong kumawala sa pagkakahawak ni Jace. Kinuha ko agad ang maleta ko at mabilis na naglakad palabas.

"Lana!" narinig ko pang sigaw ni Jace bago ako makababa ng tuluyan sa hagdan.

Ramdam kong hindi siya sumunod sa akin at hindi ko maintindihan pero nasaktan pa lalo ako dahil doon. Siguro dahil sa kaibuturan ng puso ko ay umaasa pa rin akong susunod siya at pipigilan pa rin ako.

Mabilis na sumakay ako sa kotse ni Maico matapos niyang kunin ang maleta ko at ilagay sa likod. Pinaharurot niya agad 'yun pagkaupong-pagkaupo niya pa lang.

Nakatanaw lang ako sa labas habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko na pinagkaabalahang punasan ang mga mata ko kahit na basang-basa na 'yun. Wala rin namang silbi kung sakali dahil ayaw maampat ng mga luha ko.

Naisip ko ang hitsura ni Jace kanina at kung paanong nagmakaawa siya na 'wag ko siyang iwan. Ni minsan at hindi ko pa siya nakitang nagkaganun. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa kabila ng nakita ko ay umalis pa rin ako.

Nalilito ako sa nangyayari. Gusto lang akong saktan ni Jace pero nagawa niyang magpakababa para sa akin. Nagkamali ba ako ng ginawa? Ni hindi mo man lang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Ganito na lang ba parati? Sa tuwing may darating na problema ay tatakasan ko?

"Ang sakit..." hindi ko namalayang napalakas na pala ang boses ko.

Unti-unting bumagal ang pagpapatakbo ni Maico ng sasakyan. Tumingin siya sa akin kita ang concern sa mga mata niya.

"Mahal mo ba siya?" tanong ni Maico.

Tumango ako. "Hindi ako masasaktan ng ganito kung hindi ko siya mahal." Tumingin ako sa gawi niya saka nagpatuloy. "Sobrang sakit, Maico. Para akong pinapatay. Mahal na mahal ko siya..."

Tuluyan nang itinigil ni Maico ang sasakyan at itinabi sa gilid ng kalsada.

"Nagmakaawa siya pero hindi ko siya pinakinggan. Ang sama ko... ang sama-sama ko..."

Isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko.

"Tumahan ka na, Lana. Magiging maayos din ang lahat." 

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon